Desidido ang Department of Justice o DOJ na muling buksan ang imbestigasyon sa mga di umano’y anomalya sa Disbursement Acceleration Program o DAP ng Aquino administration.
Bilang paunang hakbang ay inatasan na at binigyan ng awtoridad ni Justice Secretary Vitaliano Aguirre ang National Bureau of Investigation o NBI na magsagawa ng imbestigasyon.
Nais ni Aguirre na bumuo ng special task force ang NBI para tumutok sa imbestigasyon.
Batay sa direktiba ni Aguirre, ang Special Task Force ay kailangang magsumite ng regular na report sa kanyang tanggapan hinggil sa progreso ng kanilang imbestigasyon.
Matatandaan na inabswelto ng Ombudsman si dating Pangulong Noynoy Aquino sa technical malversation na isinampa laban sa kanya dahil sa di umano’y maanomalyang pagpapatupad ng DAP.
PLEASE SHARE OUR WEBSITE TO OTHERS AND LIKE OUR FB PAGE FOR MORE NEWS UPDATES
Duterte Media SupportersLoading...
No comments:
Post a Comment