Source of True Trending Pinoy News

Sunday, November 26, 2017

KAMPO NI CJ SERENO UMAASA NA MAGIGING PATAS ANG HOUSE COMMITTEE ON JUSTICE




Umaasa ang kampo ni Chief Justice Maria Lourdes Sereno na magiging patas ang House Committee on Justice sa isinasagawa nitong delibirasyon sa impeachment case ng punong mahistrado.


Ayon sa taga-pagsalita ni Sereno na si Atty. Carlo Cruz, sa kabila nang mga nakarating sa kanilang impormasyon na hindi sila makakakuha ng hustisya sa Justice Committee, tiwala parin aniya ang Chief Justice na mabibigyan ito ng fair trial.


Giit ni Cruz, kapansin-pansin naman sa nagdaang panel hearing na walang personal knowledge ang complainant na si Atty. Lorenzo “larry” Gadon sa kanyang mga alegasyon laban kay Sereno.


Mabagal man aniya ang proseso, naniniwala parin silang maiintindihan rin ng mga miyembro ng House Committee na walang matibay na ebidensya ang impeachment complaint na inihain laban sa punong mahistrado.






SHARE YOUR OPINION ABOUT THIS ISSUE?

PLEASE SHARE OUR WEBSITE TO OTHERS AND LIKE OUR FB PAGE FOR MORE NEWS UPDATES

Duterte Media Supporters

Share to FacebookShare to Twitter
Loading...

No comments:

Post a Comment