Loading...
Loading...
Ito ang binigyang-diin ni Presidential Spokesperson Harry Roque, kasabay ng pagdiriwang ng International Human Rights day ngayong araw.
Ayon kay Roque, matagal nang aktibong miyembro ng United Nations Human Rights Council o UNHRC ang Pilipinas at isa itong patunay na nirerespeto at sinusunod ng ating pamahalaan ang karapatang pantao na siyang nakasaad sa ating Saligang Batas.
Kabilang aniya sa mga tinututukan ng gobyerno, ang karapatan ng mga kabataan at kababaihang nakararanas ng pang-aabuso, mga may kapansanan, senior citizens, migrant workers, indigenous peoples at mga biktima ng kalamidad sa bansa.
Pinasalamatan naman ni Roque ang ginawang pagkilala ng UNHRC sa outcome report ng Pilipinas hinggil sa universal periodic review ngayong taon.
Loading...
PLEASE SHARE OUR WEBSITE TO OTHERS AND LIKE OUR FB PAGE FOR MORE NEWS UPDATES
Duterte Media SupportersLoading...
No comments:
Post a Comment