Source of True Trending Pinoy News

Sunday, December 10, 2017

NAKAKAGULAT!! PANLILINLANG ni Leni Robredo Isiniwalat ni Atty. Glenn Chong


Loading...


Loading...
Atty. Glenn Chong isiniwalat ang umanoy panlilinlang ni Leni Robredo sa mamamayang Pilipino.


 Basahin ang kanyang buong Facebook post.:

Ayon sa kampo ni Aling Leni, sisimulan ang pagkuha ng mga balota sa Camarines Sur sa January 22, 2018 at malamang masimulan ang manual recount sa pangalawang linggo ng February 2018. Dahil hindi raw kakasya ang espasyo ng PET para sa lahat ng ballot boxes mula sa Camarines Sur, Iloilo at Negros Oriental (3 pilot provinces ni BBM), uunahin muna ang Camarines Sur bago kukunin ang mga balota sa natitirang 2 probinsiya, one at a time.

Mula ng magkaroon ng preliminary conference sa protestang ito noong July 2017, mahabang 6 na buwan muna ang lumipas at nasayang bago masimulan ang pagkuha ng mga balota. Ngayong kukunin na, nakahanap na naman ng paraan upang mas lalong maantala ang manual recount. Tatapusin muna ang recount sa Camarines Sur bago kukunin ang mga balota sa Iloilo o Negros Oriental. Tatapusin muna ang pangalawang probinsya bago kukunin ang panghuli o pangatlong probinsya. Ilang buwan na naman kaya ang maaksaya sa ganitong sistema.

Kung espasyo lang ang kulang, maari naman itong hanapan ng solusyon. Pero kung gusto talagang maantala ang protesta, kahit walang kwentang palusot, gagamitin nila.

Inaantala ng kampo ni Aling Leni ang manual recount gamit ang lahat ng paraan na kaya nilang gawin dahil ang stratehiya nila ay umabot ang protesta, at least man lang hanggang October 2018. Sa October 2018 malamang ang filing ng certificate of candidacy para sa halalan sa 2019. Sa bagal ng usad ng protesta at ang prospect na may halalan muli sa 2019, mag-iisip na si BBM kung itutuloy ang protesta o bitawan ito at tumakbo na lamang bilang senador. Mabigat at hindi madaling desisyon ito para kay BBM.

Umaasa ang kampo ni Aling Leni na tumakbo na lamang si BBM bilang senador upang madismiss ng tuluyan ang protesta. Kung mangyari ito, matatanggal ng tuluyan ang malaking duda sa pagkapanalo ni Aling Leni. Dahil wala ng legal na kuwestiyun sa kanyang pagkaupo sa pwesto, lalakas ang kanyang loob sa sumalungat kay Pangulong Duterte upang lumabas siyang credible alternative leader at maisakatuparan ang hangarin ng kanyang kulto na palitan si Pangulong Duterte by constitutional succession.

Kung mangyari ang inaasahan ng kampo ni Aling Leni, may isa pa silang malaking problema that will solve itself – paano palitan ang mga balota sa natitirang mahigit 30,000 presinto na saklaw ng protesta ni BBM. Sa isinulat ko kahapon, ipinakita ko na maari ngang palitan ang mga balota upang tumugma ang mga ito sa resultang iniluwal ng mga mandarayang makina upang hindi mabuking ang dayaan. Pero maari lamang itong gawin kung ang mga presintong saklaw ng protesta ay kakaunti lamang tulad ng sa isang bayan, siyudad distrito o lalawigan. Hindi ito maaring gawin sa mahigit 30,000 presinto sa maraming bayan, siyudad, distrito at lalawigan dahil malaki ang pagkakataon na magkamali, mahuli at mabuking sila. Kung hindi mapapalitan ang mga balota, talo siya. Kaya kung tatakbo si BBM sa 2019, madidismiss ang protesta at solved na kaagad ang problema sa mga balota ni Aling Leni at ng sindikatong Smartmatic-Comelec.

Simple lang talaga ang stratehiya ng kampo ni Aling Leni at ng sindikatong Smartmatic-Comelec – patagalin ng husto ang protesta upang mahikayat na tumakbo na lamang si BBM sa 2019. Pero equally simple din lang ang panguntra sa kanilang stratehiya – huwag bitawan ang protesta. Si Gov. Imee Marcos na lang muna ang tumakbo bilang senador habang ipupursige ni BBM ang kanyang protesta. Tiyak, sasakit ang ulo at dadami ang problema ng kampo at kulto ni Robredo kapag tuloy ang protesta.


Loading...

Source:

SHARE YOUR OPINION ABOUT THIS ISSUE?

PLEASE SHARE OUR WEBSITE TO OTHERS AND LIKE OUR FB PAGE FOR MORE NEWS UPDATES

Duterte Media Supporters

Share to FacebookShare to Twitter

Loading...

No comments:

Post a Comment