Ipinasara ng Food and Drug Administration (FDA) ang clinic ng kilalang celebrity dermatologist na si Vicky Belo sa Muntinlupa City dahil sa paglabag umano sa Food, Drug and Cosmetics Act. Ito ay matapos na tumanggi raw isailalim ng kompaniya sa inspeksyon ang 11 beauty products na hindi rehistrado sa FDA.
Napag-alaman ng tanggapan na nagbebenta ang naturang clinic ng mga mislabeled cosmetic products, kung saan huli sa isang CCTV footage ang pagkuha ng cashier mula sa kanilang pharmacy ng isang produktong nagkakahalaga ng P22,000.
Ayon kay Gen. Allen Bantolo, FDA Regulatory Enforcement Unit chief, hindi umano dumaan sa registration process ng tanggapan ang mga nasabing produkto kung kaya hindi otorisado ang Belo clinic na ibenta ito.
Narito ang listahan ng mga naturang produkto:
-ZO Medical by Zein Obagi;
-MD Glycogent Exfoliation Accelerator 10% concentration;
-ZO Medical by Zein Obagi Foamacleanse Gentle Foaming Cleanser for all types;
-ZO Medical by Zein Obagi Oclipse Sunscreen/Primer SPF 30 Protection;
-Belo Illuminating Cream Alpha Arbutin+Liquorice;
-Belo Prescriptives Keralyt 2 Cream;
-ZO Medical by Zein ObagiMD Melamix Skin Lightener & Blending Creme Hydroquinone USP 4%;
-ZO Medical by Zein Obagi MD Melanin Skin Bleaching & Correcting Creme Hydroquinone USP 4%;
-Belo Prescriptives Acne Astringent;
-Belo Prescriptives Belo White;
-Belo Prescriptives DLC Peeling Creme;
-ZO Medical by Zein Obagi MD Cebatrol.
Iginiit ni Bantolo na dapat dumaan muna sa certification ng FDA ang anumang drug at cosmetic products para masiguro ang kaligtasan ng publiko sa paggamit nito. Samantala, inaantay naman ang magiging statement ni Dra. Belo.
“Hindi dumaan sa registration process ng FDA, so ang ibig sabihin nun, kung hindi siya authorized, hihintayin niya dapat na dumaan doon sa proseso ng FDA, that they will be allowed to sell,” ayon sa retired Gen. Allen Bantolo, chief of the FDA Regulatory Enforcement Unit.
No comments:
Post a Comment