Source of True Trending Pinoy News

Monday, February 12, 2018

FINALLY! KIKO PANGILINAN REACTS T SHARON CUNETA AND GABBY CONCEPCION COMMERCIAL! SELOS BA SIYA?



Maraming netizens ang kinikilig sa gumagandang relasyon ng ex-couple na sina Sharon Cuneta at Ika-6 Na Utos star Gabby Concepcion. Gumawa pa ang dalawa ng isang commercial para sa fast food giant na McDonald's na nag-premiere this Friday, February 9.












Ikinasal si Gabby at Sharon noong September 23, 1984. Matapos ang isang taon ipinanganak ang kanilang supling na si Maria Kristina Cassandra Concepcion o mas kilala sa showbiz na si KC. Pero natapos ang mala-fairy tale love story ng dalawa. Ikinasal sa ikalawang pagkakataon si Sharon kay Kiko Pangilinan taong 1996.






Isang netizen ang inusisa tuloy si Ate Shawie kung ano ang feeling ni Senator Kiko lalo na at bumuti na ang ugnayan nila ng kaniyang ex-husband. Diretsahan sumagot ang Megastar at sinabing napaka-supportive nito. Wala din daw dahilan para mag-selos ito at very secured siya sa kanilang relasyon.



Masaya naman ang mga netizen para kay Sharon Cuneta at sa kaniyang pamilya.



Samantala ay nagbigay naman ng pahayag si Sen. Kiko sa isang radio interview noong nakaraang Sabado, February 10. Ayon sa Senator, wala siyang dapat na ikaselos at lubos ang kanyang suporta sa kanyang asawa na si Sharon.

"Sabi ko, trabaho 'yan. At saka sa akin... magsi-sixty na 'ko. 'Yung mga selos-selos e ano na 'yan. Magti-twenty-two years na kaming kasal. So, ang mahalaga diyan is support," ayon sa senator. Sinabi din ni Sen. Kiko na ang kanilang pagsasama ay matatag. "Sabi kumusta raw si Sharon? Ang sagot ko e patay na patay pa rin sa akin," pagbibiro ni Senator Kiko.







Dagdag pa ni Sen. Kiko sinusuportahan daw niya si Sharon sa mga choice nito sa showbiz katulad ng pagsuporta ni Sharon sa kanya pagdating sa politika, "Andiyan ‘yung aking support. Walang problema ‘yun dahil ang mag-asawa naman dapat nagtutulungan sa kani-kanilang career at kani-kanilang proyekto, ‘di ba?

"The same way kapag mayroon akong mga kailangang gawin, kailangan umalis ng Maynila kasi mayroong mga out of town engagements, meetings, etc., siyempre kailangan ko ng suporta at unawa ng aking maybahay. The same," ayon kay Sen. Kiko.









Ayon pa sa kanya ay walang problema sa kanya kung mgasama muli si Sharon at Gabby sa isang pelikula. "Nasa sa kanila ‘yan at kung ‘yan naman ang clamor talaga ng public, ‘yan naman ay trabaho nila and it will be a boost sa kani-kanilang mga profession, why not?"

"And importante you know there is fulfillment. At nakikita niya na patuloy na tinatangkilik ang kaniyang propesyon, walang problema ‘yun. She has my 110 percent support and I’m very proud of her commitment and dedication sa kaniyang trabaho," dagdag pa niya.

No comments:

Post a Comment