Source of True Trending Pinoy News

Sunday, February 11, 2018

Jed Madela, Nag-react sa "PALAOS NA AKO" Statement Ni Regine Velasquez!



Aminado ang singer-actress na si Regine Velasquez na para hindi siya ma-stress, hindi na niya iniisip kung laos na ba siya o hindi. Sinabi ni Regine na nasa punto siya ng buhay at career niya na alam niyang hindi na siya kasing-sikat dati at tanggap naman niya ito.






“Nandito na ako sa time ng career ko na ganu’n na. Ako naman kasi praktikal akong tao at saka nare-recognize ko naman ’yung pinamamalagi ko sa industriyang ito. I’m very aware of where I am now,”  pag-amin ni Regine.

Dagdag pa ng singer-actress,  “Alam kong hindi na ito katulad ng dati, hindi na ako ‘yung sikat, alam mo ‘yun, pero I just feel very blessed that I am still given the opportunity to be able to perform or nasa TV pa rin naman ako, kumbaga, may trabaho pa rin naman ako.

“Pero I think, andito na ako sa age na ganu’n, pababa na talaga ito. Accepted ko na ’yan.







“Mahirap lang kapag hindi mo ina-accept kasi magkakaroon ka nang masyadong madaming ilusyon and at the end, you pressure yourself and then you just get heartbroken,” matapang niyang pahayag.

Ayon pa sa Songbird,  “Bata pa ako, nu’ng nag-uumpisa pa lang ako sa industriya, actually, hindi ko nga nalaman ’yung time na sumikat ako o sumikat bang talaga ako? Alam mo ’yun? Ayoko nang isipin.







Sa kabila nito, thankful pa rin si Regine dahil patuloy naman ang pagpasok ng mga offer at opportunities sa kanya.

“Basta ang alam ko lang, nagtatrabaho ako. Alam ko lang, blessed ako ni Lord, binibigyan pa ako ng work and opportunity to be able to work with other artists.

Binigyang diin ni Regine na nagiging mahirap lang namang tanggapin ang status ng isang career kung hindi ito tatanggapin. Inihayag pa ni Regine na sobrang pasasalamat na rin siya dahil sa ilang dekada na ring pananatili niya sa showbiz industry.







Iginiit pa ng Asia's songbird na hindi din niya masyadong pinapansin ang pagbabago ng status niya sa showbiz dahil sa kanyang anak at asawa na inaasikaso .

“Medyo ramdam naman namin ’yun eh... Siyempre, nararamdaman mo na ’yung parang dumadalang na. Pero alam mo, ine-enjoy ko pa rin ’yun kasi andito na rin ako sa estado ng buhay ko na may family na ako, meron akong anak.

“Na-appreciate ko ’yung time na meron ako with my son, na meron ako with my husband. So hindi ko na masyadong napapansin na ‘laos’ na ako, na wala nang masyadong kumukuha sa akin,” huling pahayag ni Regine.







Samantala ay nagreact naman ang co-singer niya na si Jed Madela at nagbigay ng pahayag tungkol sa issue. Panuorin ang video...








No comments:

Post a Comment