Source of True Trending Pinoy News

Thursday, February 22, 2018

Joey De Leon Gustong Ipatanggal Ng Mga Netizens Dahil Sa Joke Neto Isa Sa Contestant Ng Eat Bulaga! Maine Mendoza Hindi Nalang Nagsalita!




Under fire ngayon si Joey De Leon for doing another joke and insensitive remarks about a contestant's past.











Madaming nag-comment sa hindi magandang joke ni Joey De Leon sa national television sa isang segment ng Eat Bulaga. Habang nasa, "All for juan, Juan for all" isa sa mga nanalo ay ang dating prostitute pero nabago ang buhay ng maging born again Christian siya, samantala, biglang nag-joke si Joey at tinanong ang audience ang naging customer ng babae.

Sa Olongapo City ginanap ang “All For Juan, Juan For All" segment kahapon, kung saan naroon sina Jose Manalo, Wally Bayola, Paolo Ballesteros, at Maine Mendoza.

Ang contestant na nagngangalang Mary Jane ay umaming dating prostitute sa Pasay City, at ngayon ay isa nang born-again Christian na naninirahan sa isang ministry/shelter sa Olongapo City.




Lahad ni Mary Jane, “Ginagawa ko dati sa Pasay, binebenta ko sarili ko…

“Napunta po ako sa Pasay dahil may nag-ano po sa akin na kapitbahay po sa amin sa probinsiya, sabi maganda raw.

“Pero ang napasukan kong trabaho po, binebenta po yung sarili po.”

Nagkaroon ng dalawang anak si Mary Jane sa magkaibang lalaki na naging "guest" o "customer" niya.

Buntis daw siya sa ikalawang anak nang makilala niya ang isang babaeng nagdala sa kanya sa ministry/shelter sa Olongapo City.

Apat na taon nanirahan si Mary Jane at ang bunso niyang anak na lalaki sa Olangapo, habang ang panganay niyang anak na babae ay naiwan sa isang shelter sa Antipolo.

Ngayon ay nakatakda nang umalis ng shelter sa Olongapo si Mary Jane dahil overstaying na siya roon.

Kaya raw lubos ang kanyang pasasalamat na napili siyang winner ng Eat Bulaga, dahil plano niyang gamitin ang cash prize na makukuha sa pagsimula ng bagong buhay sa piling ng dalawang anak.

Ngunit sa isang punto ng segment, humirit ng biro si Joey.

Tanong ni Joey kay Mary Jane, “May naging guest ka bang taga-Eat Bulaga? Hindi, baka napasyal lang.”

Pagtuturo pa ni Joey sa katabi ni Mary Jane na sina Jose at Wally, “'Yang dalawang katabi mo.”

ang segundo ang lumipas bago nakapag-react ang Eat Bulaga! co-hosts ni Joey dahil sa kaunting delay ng live telecast.

Sa pagpapatuloy ng segment, idinaan na lang din sa biro nina Paolo at Jose ang hirit ni Joey.

Tanong ni Paolo kay Mary Jane, “Eto po, nakikilala niyo po sila?”

Sagot ni Mary Jane, “Si Jose po at saka si Wally po.”

Hirit ni Wally, “Sabi ko na nga ba! O, kita mo ikaw din pala!"

Tanong ulit ni Paolo kay Mary Jane, “Sino ang mas madalas sa kanilang dalawa?”

Natatawang sagot ni Mary Jane, “Si Wally po!”

Natawa rin si Maine sabay turo kay Wally, “Haha! Ikaw raw mas madalas!”

Fresh Start. Pagkatapos ay pinaupo na ni Jose si Mary Jane sa kalapit na upuan at doon patuloy na ininterbyu ang huli tungkol sa naging buhay nito matapos makawala sa pagiging prostitute.

Payo pa ni Jose kay Mary Jane, “Kahit magipit ka, huwag ka na babalik sa ginagawa mo dati.”

Pagsang-ayon ng contestant, “Hindi na po ako babalik sa ginagawa ko dati.”

Sa huli, pinayuhan din ni Vic si Mary Jane na paglabas niya ng ministry/shelter sa Olangapo City ay bumalik na lang sa probinsiya nito sa Panabo, Davao del Norte.

Ani Vic, “Bigyan niyo ng pamasahe tsaka pag-umpisa ng negosyo para sa panibagong buhay ni Mary Jane."

Marami ngayon ang naiinis at gusto ipatanggal si Joey sa Eat Bulaga. Matatandaang marami din  nag-comment sa hindi magandang pag-trato ni Joey De Leom about sa 'Depression".





Narito ang mga comment ng netizens. Ano masasabi niyo? Watch!















No comments:

Post a Comment