Source of True Trending Pinoy News

Saturday, February 10, 2018

LOLIT SOLIS, SINUPALPAL ANG MGA BASHERS NI MARK BAUTISTA!



Ipinagtanggol ni Lolit Solis sina Mark Bautista at Piolo Pascual mula sa mga malisosyong kuwento na nag-uugnay sa dalawang aktor. Kasabay ng balitang maglalabas ng isang libro si Mark ay ang pagkalat ng usap-usapan tungkol sa kanyang tunay na pagkatao, at sangkot daw dito si Piolo.













Saad ng dating talk show host, “Nasasali sa intriga sa libro si Piolo Pascual dahil may insinuation ng malisya. Para sa akin kung anuman iyon, siguro hindi na dapat husgahan. Napatunayan ko na napakabait na tao din ni Piolo Pascual hindi mapagtanim ng sama ng loob, at pareho sila ni Mark na mabuting tao. 'Di naman sila nananakit o naging masama sa kapwa nila, so ano ang problema?”



Dagdag ni Lolit, si Rudy Fernandez daw ang nagturo sa kanya na huwag manghusga ng kapwa o kaya ay makisawsaw sa buhay ng iba.







Ayon sa kanya, “Dun ako nakapag-isip, bakit nga ba kailangang makialam sa isang bagay na hindi ka naman kasali o hindi ka naman apektado ? Sinaktan ka ba nila, binago ba nila buhay mo? Kanya-kanya tayo ng standard of happiness , kanya-kanya tayo ng hinahanap sa buhay, for whatever reasons na naiba iyon ilan, basta hindi tayo apektado pabayaan natin.”

“Whatever ginawa nila, one thing sure ako , mabuting tao sila Mark at Piolo. So happy sila, happy din ako, dapat happy lang tayong lahat,” pagtatapos niya.







No comments:

Post a Comment