Source of True Trending Pinoy News

Monday, February 5, 2018

MAJA SALVADOR NAGSALITA NA SA PAGBABALIK SA ANG PROBINSYANO!



Pinanabikan ang pagtatapos ng seryeng Wildflower kung saan bida si Maja Salvador, posible kayang bumalik pa ang karakter niya bilang palabang pulis sa Ang Probinsyano na pinagbibidahan ni Coco Martin?



Sa thanksgiving/farewell presscon ng Wildflower natanong si Maja kung posible ba siyang mapanuod ulit sa Ang Probinsyano? "Wala pa naman pong tanong. Pero baka po malabo rin mangyari kasi nga po puno ng tours, at saka may pelikula rin po akong gagawin."




Pero hirit niya, "Kung gusto po ni Cardo (Coco), kung willing siya, pwede niya pa tulungan si Lily Cruz sa ending ng Wildflower!"






Dalawang linggo nalang mapapanuod ang serye ni Maja sa Primetime Bida ng ABS-CBN, at promise ng actress, isang "wildest ending" ang magaganap sa pagtatapos ng programa.

Dapat daw abangan ng viewers kung magtatagumpay si Lily Cruz sa kanyang paghihiganti.


No comments:

Post a Comment