Source of True Trending Pinoy News

Monday, February 12, 2018

MARK BAUTISTA, OPEN DAW SA PAGPAPAKASAL SA ISANG LALAKI!




Ilang araw mula ngayon ay magiging available na sa bookstores ang libro ng singer-actor na si Mark Bautista, ang "Beyond The Mark". Ngunit bago pa man matapos ang taong 2017 ay usap-usapan na sa showbiz circles ang nilalaman ng libro na si Mark mismo ang nagsulat.








Sa librong ito raw isisiwalat ng 34-year-old performer ang isang bahagi ng kanyang buhay na matagal niyang itinago sa publiko. Noong nakaraang Martes, February 6, naglabas ang isang source ng screen grab ng ilang pahina mula sa libro ni Mark. Bahagi ito ng chapter na may titulong “FRIENDSHIFT.”
Sa mga pahinang ito nakasulat ang naging ugnayan nila ng isang matalik na kaibigan. Tinawag na “bromance” ni Mark ang closeness nila ng “guy friend” na ito.






Ngunit sa dalawang pagkakataon daw ay bumigay sila sa temptasyon at naging “intimate” sa isa’t isa. Pagkatapos ng pangalawang pagkakataon ay nangako raw sila sa isa’t isang hindi na nila ito uulitin. At nagawa naman nilang iwasang maulit ito nang ilang taon. Hanggang sa malasing sila isang gabi.
Samantala, aminado si Mark Bautista na hindi niya ini-entertain ngayon ang ideya na magpapaksal siya sa isang lalaki. 
Ayon kay Mark, ayaw niyang magsalita ng patapos, pero sa ngayon umano ay hindi siya papasok sa isang relasyon na magpapatali siya sa isang lalaki. Ngunit kung mangyayari man ito umano ay siguro tinamaan siya ng husto sa isang lalaki, at papunta na sa pag-untog ng kanyang ulo ang kanyang gagawin. 







Ayon parin kay Mark isang magandang bagay ang pagpapakasal at kapag nangyari iyon ay dapat lamang itong icelebrate at ingatan. Sa ngayon umano ay gusto parin niyang magkaroon ng sariling pamilya at hahayaan na lamang niya ang kanyang puso ang siyang magdecide. Kung sa babae umano siya mai-inlove ay tatanggapin niya dahil gusto parin niyang magkaroon ng asawa at mga anak. Ngunit kung sa isang lalaki naman umano siya itinadhana ay tatanggapin niya ito ng maluwag sa kanyang puso.








Panuoring ang video...

No comments:

Post a Comment