Source of True Trending Pinoy News

Wednesday, February 7, 2018

Mark Bautista, Umaming May Nakakarelasyon Na Isang Aktor Eto At Inamin Niya Kung Sino!




Ilang araw mula ngayon ay magiging available na sa bookstores ang libro ng singer-actor na si Mark Bautista, ang Beyond The Mark.

Ngunit bago pa man matapos ang taong 2017 ay usap-usapan na sa showbiz circles ang nilalaman ng libro na si Mark mismo ang nagsulat.

Sa librong ito raw isisiwalat ng 34-year-old performer ang isang bahagi ng kanyang buhay na matagal niyang itinago sa publiko.

Ngayong Martes, February 6, nakatanggap ang PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ng screen grab ng ilang pahina mula sa libro ni Mark.

Bahagi ito ng chapter na may titulong “FRIENDSHIFT.”

Sa mga pahinang ito nakasulat ang naging ugnayan nila ng isang matalik na kaibigan.

Tinawag na “bromance” ni Mark ang closeness nila ng “guy friend” na ito.

Ngunit sa dalawang pagkakataon daw ay bumigay sila sa temptasyon at naging “intimate” sa isa’t isa.

Pagkatapos ng pangalawang pagkakataon ay nangako raw sila sa isa’t isang hindi na nila ito uulitin.

At nagawa naman nilang iwasang maulit ito ng ilang taon.

Hanggang sa malasing sila isang gabi.

ONE DRUNKEN NIGHT. Noong panahong iyon ay may girlfriend daw ang kaibigan ni Mark, at pare-pareho silang um-attend ng party sa isang club.

Pero halos buong gabi raw ay iniwasan ni Mark at ng kanyang kaibigan ang isa’t isa.

Hanggang sa umuwi na ang kapatid at girlfriend ng kanyang kaibigan.

Naiwan daw silang dalawa at nalasing pareho.

Kuwento ni Mark, “We then got so drunk that I ended up going home with him.

“I spent the night in his house and we became intimate.”

Kinabukasan daw ay nalaman ng girlfriend ng kanyang kaibigan ang nangyari sa kanila.

Mismong ang kaibigan daw ni Mark ang umamin sa girlfriend nito dahil sa pagkabigla.

Ayon pa kay Mark, “This started a huge drama between the three of us. It became a spectacle.”

Bagamat wala naman daw silang ginawang “anything extreme,” gumawa na raw ng kanya-kanyang kuwento ang mga tao at agad silang hinusgahan.

Mabilis din daw kumalat ang tsismis na ito.

Pero sabi ni Mark, “I kept my silence and allowed myself to be hurt by all the rumors.”

Hindi raw maipagtanggol ni Mark ang sarili dahil baka mas lalong lumala ang sitwasyon.

Ginawa rin daw niya iyon para protektahan ang kaibigan.

Wala rin daw siyang sinabi sa kanilang pinakamalalapit na kaibigan.

Dahil sa sitwasyong iyon ay bigla raw nag-iba ang relasyon ni Mark at ng kanyang kaibigan, at maging sa mga iba pa nilang mga kaibigan.

Walang binanggit na mga pangalan si Mark sa kanyang pagsisiwalat na ito, ngunit marami nang espekulasyon sa katauhan ng kaibigang tinutukoy niya.

May mga lumabas na ring blind items noong posibleng tumutukoy sa nangyari sa kanila ng kaibigan at girlfriend nito.

Maliban dito, marami pang ibang karanasan ang ibinahagi ni Mark sa kanyang librong Beyond The Mark, na inaasahang lubos na magpapakilala kung sino talaga siya.

Sa mismong Valentine’s day, February 14, isa si Mark sa guests sa 25th anniversary concert ni Joanna Ampil na Love Wins, sa BGC Arts Center, Maybank Theater.

Ito ang kauna-unahang public appearance ni Mark mula nang pumutok ang balita tungkol sa kanyang libro.

Nagkataon din kayang “Love Wins” ang titulo ng concert dahil sa gagawing pag-amin ni Mark?
(Source Pep.ph)

















More about Mark:

Bautista was born to Leon Darni Bautista III and Susan Arazo Bautista in Cagayan de Oro City, Philippines. Bautista was determined to help his family when his father was forced to stop working because of his physical condition. He has four siblings–an older brother (Ryan Oneal), a sister (Princess Alodia) and two younger brothers (Nigel Adrian and Jan Reil). With the cash prizes he won at singing competitions, he was able to help his parents through their financial difficulties.

In his early years, he was very shy to show his singing voice. His confidence began growing once he started joining different oratorical competitions. He even bagged the first prize in some of the oratorical competitions he joined.

He joined a band called Voizemale which did various gigs in Cagayan de Oro, mostly covering popular hits of Earth, Wind & Fire and Backstreet Boys. He further developed his confidence by joining various singing competitions. Close friends of Bautista persuaded him to audition for a singing contest in ABS-CBN's MTB. While that wasn't his calling to stardom, he continued to sing and improve his singing skills.

When the Star for a Night competition came, money became a problem, and he thought that he was going to miss this big opportunity. His mother provided him with money to go to Cebu as a birthday gift. He then went to Manila to finish the audition process. He passed all three levels of the Star for a Night auditions and made it to the grand finals. He said: "I can never forget that experience. That, plus the exposure, was enough to make me happy". At the end of the show, he placed as 1st runner-up next to Sarah Geronimo, the grand champion of the show. 
















No comments:

Post a Comment