Robin Padilla at Aljur Abrenica, nagkita na ng personal matapos ang mahabang panahon.
Mababakas kay Kylie Padilla ang tuwa dahil sa wakas ay nagkabati na ang kanyang amang si Robin at si Aljur. Mismong si Robin ay nagpost din sa kanyang instagram account na may caption na "God is Great" at "ROMEO and JULIET!! FEB-IBIG IBIG!!"
Kaya pala nagka-ayos na ang dalawa ay may plano na si Aljur na pakasalan ang kanyang anak na si Kylie dahil ito ang pinakagusto ni Robin, ang maikasal ang kanyang anak upang maging tama sa mata ng Dioys at sa mata ng tao.
Present din sa pamamanhikan ang Lola Eva ni Kylie at maging sina Karla Estrada at Nadia Montenegro ay nandoon din.
Si Aljur naman ay tuwang tuwa sa mga nangyayari sa kanilang pamilya. Ayon pa sa kanya, ay masaya siyang makita ang ngiti sa kanyang mahal na si Kylie. Sa mga larawan na ipinost ni Mariel ay makikita ang buong pamilya ni Aljur na at home na din sa bahay nina Robin at Mariel.
Matatandaan na hindi maayos ang relasyon ni Robin sa boyfriend ni Kylie na si Aljur Abrenica. Ayon sa intreview kay Robin noon, bago raw siya makipagkasundo kay Aljur ay kailangan muna nitong magpakalalaki at pakasalan ang kanyang anak.
Ganoon din ang naging pahayag ni Kylie sa isang intreview na nais umano ng kanyang ama na si Robin na magpakasal na sila ni Aljur.
Sa larawan na ipinost ni Kylie sa kanyang instagram account, ay makikita ang buong pamilya ni Aljur na kasama si Robin at Mariel.
No comments:
Post a Comment