Nagbigay ng pahayag si Aljur Abrenica sa interview sa kanya ni Boy Abunda, kitang kita na labis ang kasiyahan ni Aljur na magkasundo na sila ng ama ng kanyang mahal na si Kylie.
Ayon kay Aljur matagal niyang pinag-isipan ang pamamanhikan sa ama ni Kylie halos nakapito raw siyang suot ng pantalon at nagpractice kung ano ang kanyang sasabihin kay Robin. Inamin niyang natagalan ang kanyang pamamanhikan dahil sa takot niyang mareject ni Robin.
Mahal na mahal niya ang pamilya niya. Si Mariel din daw ang nakatulong para magkaroon ng dinner at makapag-usap. Hinikayat daw niya ang kanyang mga magulang na pumunta sa bahay nina Robin upang formal na hingin ang kamay ni Kylie sa ama nitong si Robin Padilla.
Umamin siya na humingi ng tawad si Robin sa mga nabitiwan niya salita kay Aljur. Pati si Aljur ay himingi din ng tawad kay Robin. Halos kinikilig si Aljur habang kausap ni Boy Abunda. Ikinwento niya rin ang labis na kasiyahan ni Kylie. Simula nang umuwi ito sa bahay ni Robin at paggising sa umaga kakaiba daw ang ngiting nakita niya sa kanyang mahal na si Kylie.
No comments:
Post a Comment