Source of True Trending Pinoy News

Tuesday, March 20, 2018

FINALLY! LIZ UY NAGSALITA NA SA MGA AKUSASYONG HOME WRECKER DAW SIYA!



Nagsalita na ang celebrity stylist na si Liz Uy matapos niyang ipakilala sa publiko ang kanyang anak na si Baby Xavi.


Humihingi na ng privacy si Liz Uy ng matanong siya kung anong edad na ang kanyang anak, at ito ang maiksing sagot niya... "Saka nalang natin pag-usapan."

Nagsimula ang usap-usapan ng netizen matapos magpost si Liz Uy ng isang larawan kung saan makikitang may karga karga siyang isang baby boy. Kinumpirma niya sa post na anak niya ito. Sabi pa ni Liz, malaki ang pagbabagong naidulot sa kanyang buhay sa pagdating ng anak na si Xavi, "I don't really think only of myself anymore. Everytime I do anything, I think of Xavi first."





Bagamat kinumpirma na niya ang matagal ng usap-usapan tungkol sa pagkakaroon niya ng anak, sinabi nin Liz na hindi niya obligasyon magbigay pa ng karagdagang detalye tungkol sa kanyang post.

"For me, well that's my (instagram) page naman, and I can say and do whatever I want. And then nahala sila whatever they want to think din, Kasi, Im not naman answerable to anyone," saad ng sikat na stylist.

Sabi pa niya tungkol sa pagiging ina, "The best accomplishment I've done"




Inuugnay ang pangalan ni Liz sa negosyanteng si Raymond Racaza. Si Racaza ay ang president, chief operating officer, at co-founder ng Xurpas Inc., isang kompanya ng gumagawa at nagde-develop ng mobile consumer content and services para sa telecommunication companies. Siya ang napapabalitang ama daw diumano ng anak ni Liz. Subalit ang nasabing negosyante ay may asawa't anak na, kaya naman hindi napigilan ng mga netizen na pag-usapan ang tungkol sa issue na ito.




No comments:

Post a Comment