Nagpahatid ng kanyang mensahe si dating Davao City Mayor Paolo Duterte para sa kanyang ama na si Pangulong Rodrigo Duterte na nagdiriwang ng ika-73 kaarawan ngayong Miyerkules, ika-28 ng Marso.
Ani Pulong, para sa lahat ng galit at saya na namagitan sa kanila, mananatili pa rin siyang anak ni Tatay Digong.
“Sa lahat ng sermon mo sa akin, Pa, nakinig ako,” wika nito. “Hindi madaling maging ama sa pinakamabait mong anak.”
Humingi rin ng kapatawaran si Paolo para sa mga ‘panahong nadagdagan niya ang puting buhok’ ng kanyang tatay. Aniya, sana ay dumating ang panahon na ipagmamalaki rin niya ito.
"I know I will never attain what you have achieved in your lifetime, but I can assure you that I will do my best to make you proud. Magsisikap ako pati mga kapatid ko na ‘di ka mapapahiya sa amin,” aniya.
Nagpasalamat din ang dating bise-alkalde sa lahat ng tulong na natanggap ng kanyang pamilya mula sa kanyang ama.
“Maraming salamat sa mahaba-haba pang pasensiya. Ikaw na!” dagdag pa ni Paolo.
Ang panganay na anak na lalaki ni Pangulong Duterte ay bumaba sa kanyang puwesto Disyembre noong nakaraang taon matapos madawit ang pangalan sa kontrobersiyal na P6.4-B smuggled shabu shipment na iniimbestigahan pa sa Senado.
Malugod namang tinanggap ng Pangulo ang pagbibitiw ng kanyang anak at sinabing suportado niya pa rin ito anuman ang kanyang maging desisyon.
No comments:
Post a Comment