Source of True Trending Pinoy News

Tuesday, March 27, 2018

Pinay Domestic Helper, Kinuhang Bida Sa Isang Pelikula Sa Hong Kong! Alamin!





Napili si Minpa Gomez Gervacio, isang domestic helper, na bumida sa isang pelikula sa Hong Kong na tumatalakay sa suliraning kinahaharap ng mga domestic helper sa naturang teritoryo ng Tsina.

Mistulang "big break" para sa 31 anyos na si Minpa Gomez Gervacio ang pagkakapili sa kaniya para bumida sa isang short film sa Hong Kong.

Pero hindi aktres ang propesyon ng tubong El Nido, Palawan na si Gervacio. Sa halip ay isa siyang domestic helper sa Hong Kong at ganoon din ang ginampanan niyang papel sa pelikulang "Martika."

Sinusundan ng "Martika" ang kuwento ng isang domestic helper sa Hong Kong na nag-aalaga ng isang matandang may dementia o sakit na paghina ng alaala.


Bahagi ang "Martika" ng seryeng "Below the Lion Rock" ng RTHK na tumatalakay sa iba't ibang isyung panlipunan sa Hong Kong.




Para kay Gervacio, pinapakita ng "Matrika" ang katatagan ng mga manggagawang Pinoy sa ibang bansa, lalo na ang mga domestic helper.

Ayon naman sa direktor na si Fei Pang Wong, layunin ng pelikula na ipakita ang kontribusyon ng mga overseas Filipino worker (OFW) sa Hong Kong.




Nakilala ng direktor si Gervacio sa pamamagitan ng amo ng Pinay.

Dumaan si Gervacio sa acting workshop bago isalang sa pag-shoot ng pelikula.

Hindi rin umano siya tumanggap ng bayad para sa pagganap dahil labag umano ito sa kaniyang kontrata sa Hong Kong.

Sa kabila nito, tinanggap pa rin ni Gervacio ang proyekto dahil naniniwala siyang biyaya at oportunidad ito para sa kaniya.


No comments:

Post a Comment