Nakapukaw ng pansin ng mga netizens ang cryptic post ng Kapuso young actress na si Gabbi Garcia.
Sa paraan ng kanyang pagkakasulat, kung saan ginamit niya ang numerong "2" sa halip na salitang "to", tila may ipinahihiwatig ang 19 year old actress. Ang tanong tuloy ng karamihan sa kanyang followers ay kung lilipat ba si Gabbi sa ABS-CBN.
Lalo pat namatay na ang character na ginagampanan niya bilang Lily Pelaez sa GMA 7 primetime series na Sherlock Jr. Ito ay sa kabila na siya ang leading lady ng bida at ka-loveteam niyang si Ruru Madrid.
Hindi rin lingid sa kaalaman ng marami ang pagiging malapit na kaibigan ni Gabbi sa ilang Kapamilya stars, kabilang na si Julia Barretto.
Bukod sa Sherlock Jr., ang isa pang regular show ni Gabbi sa GMa 7 ay weekly comedy-variety show na Sunday PinaSaya. May online show din siya sa GMA na Hashtag Goals.
Si Gabbi ay naging bahagi ng Kapuso network mula noong 2014.
No comments:
Post a Comment