Source of True Trending Pinoy News

Monday, April 2, 2018

KARLA ESTRADA NAPAIYAK SA PAGTATAGPO NG AMANG AMERIKANO AT NI DANIEL PADILLA SA AMERIKA!



Hindi lang ang ating mga kababayan sa Amerika ang napasaya sa pagtatanghal nila Daniel Padilla at leading lady nito na si Kathryn Bernardo. Masayang-masaya rin ang ina ni Daniel na si Karla Estrada nang makasama ng kanyang anak ang kanyang lolo na si Raymond Ford.






Sa Instagram, ibinahagi ni Karla ang larawan ni Daniel kasama ang kanyang ama at kapatid na si Ian Ford sa New Jersey kung saan nagtanghal ang aktor at Kathryn. "Mula Philadelphia to New Jersey ay naglakbay ang tatay ko at kapatid ko para mapanood ang grupo nina Daniel at Kath. Napakagandang larawan nito. Wala na akong mahihiling pa."



Sa isang madamdaming pag-amin noon lamang Nobyembre 2016, inamin ni Karla na buong buhay niya ay hindi alam ng kanyang ama na siya ay isinilang. Kaya naman napakasaya niya nang malaman na tanggap siya ng kanyang ama. Si Ian naman ang nag-iisang kapatid ni Karla sa parte ng kanyang ama.






First time na nagpost si Karla ng larawan ng kanyang tatay at kapatid na kasama si Daniel, kaya nga sinasabi ng actress-host na wala na syang mahihiling pa dahil bukod sa magandang career ng anak, mas maayos kaysa noon ang pamumuhay nito.


No comments:

Post a Comment