Iginiit ng Philippine National Police (PNP) noong Miyerkules, Marso 10, na ang grupo ni Calbayog City Mayor Ronald Aquino ang unang nagpaputok ng pagbaril na tuluyang nagdulot ng shootout na ikinamatay niya at limang iba pa, kasama ang tatlong pulis, na namatay.
“Nagtamang duda yung security ni Mayor na sinusundan sila so without apparent reason binaril nila ang sasakyan ng pulis. (The security of the Mayor thought that they were followed, that’s why they fired on the vehicles of the policemen,”sinabi ng punong PNP na si Gen. Debold Sinas at pinagsimulan ito ng shootout sa pagitan ng dalawang grupo.
Si Brig. Gen. Ronaldo de Jesus, director ng Police Regional Office 8, ay di rin sumangayon na ang nangyari sa Calbayog City ay isang ambush ng lokal na pulisya.
Sinabi niya na ang pangkat ng mga pulis na nakasakay sa dalawang sasakyan ay patungo upang magsagawa ng inspeksyon sa ilang mga lugar sa Samar nang sila ay pinaputukan.Ang mga pulis ay mula sa Integrity Monitoring and Enforcement Group at ang Provincial Drug Enforcement Unit.
“There was no ambush. And we do not even look at the politics angle because we do not have involvement whatsoever in politics,”sabi ni de Jesus
Sinabi din ni Sinas na papalapit na ang puwersa ng IMEG at DEU upang suriin ang kahandaan ng mga yunit ng pulisya sa Samar laban sa mga posibleng pag-atake mula sa mga rebeldeng komunista.
Ngunit sa gitna ng mga paratang ng pananambang, sinabi ni Sinas na na-tap na niya ang Criminal Investigation and Detection Group upang tumulong sa pagsasagawa ng imbestigasyon.Gayunman, sinabi ng mga kaibigan at tagasuporta ni Aquino na hindi sila nagtitiwala sa PNP sa pagsasagawa ng imbestigasyon at sa halip ay umapela sa National Bureau of Investigation upang matiyak na walang kinikilingan ang pagsisiyasat.
No comments:
Post a Comment