Source of True Trending Pinoy News

Tuesday, November 30, 2021

AJ Raval, matapang na sinagot ang patutsada sa kanya ni Barbie Imperial na gusto niyang maging kabit ni Diego Loyzaga!

Mukhang hindi talaga papatalo itong si AJ Raval sa mga isyung ibinabato laban sa kanya.

Usap usapan nga ngayon sa social media ang maaanghang na salitang binitawan ni Barbie Imperial. Kung saan deretsahan niyang pinatungkulan si AJ.

Ani Barbie, “Ahmmm, yung about doon kay AJ Raval, if wala kang kinalaman, or alam mo namang hindi ka kabit ni Diego, magsalita ka!”

Ayon kasi kay Barbie pakiramdam niya na gusto ni AJ ang mga nangyayari dahil sa pananahimik nito.

“Parang for me, parang gusto mo na nangyayari ito lahat? Na nagka-thing kayo ni Diego?” saad pa ni Barbie.

Sinabi din ng aktres na hindi naman daw gusto ng boyfriend niyang si Diego si AJ. Iniisyu lamang daw sila para masira ang maganda nilang relasyon.

Lahat ito ay ipinahayag ni Barbie sa panayam niya kay Boy Abunda.

Samantala, matapos mag viral ng video na ito na pahayag ni Barbie ay tila may patutsada naman si AJ tungkol dito.

Nagpost ang anak ni Jeric Raval ng isang meme tungkol sa itsura ng isang lalaki. Na hinuha ng mga netizens ay inihalintulad ng aktres sa itsura ni Diego.

Inulan naman ng samut-saring komento ang post na ito ni AJ. Marami din ang nagmemention kina Diego at Barbie sa comment section ng nasabing post.

Narito ang ilan sa komento ng netizens:

“Feeling ko talagang feel na feel niya na ddrag siya sa mga issue lalo na sa pagiging 3rd party”

“Habang tumatagal nagiging nega na si AJ Raval. Sayang bata pa sya, pangit na nagiging reputasyon.”

“Habang tumatagal, lumalabas pangit na ugali nitong si AJ. May pagka fame wh0re din pala talaga. Nagiging low class.’”

The post AJ Raval, matapang na sinagot ang patutsada sa kanya ni Barbie Imperial na gusto niyang maging kabit ni Diego Loyzaga! appeared first on Light Feed.


Source: Light Feed
Source: Viva Pilipinas

No comments:

Post a Comment