Source of True Trending Pinoy News

Monday, November 22, 2021

Allan K, muling nagbukas ng kanyang negosyo matapos magsara ng dati niyang restobar!

Masayang ibinahagi ngayon ng dabarkads co-host ng ‘Eat Bulaga’ na si Allan K ang balitang siya ay nagbukas muli ng kanyang negosyo na isa ding restobar sa Las Piñas City. Matatandaan na noon lamang kasagsagan ng pandemya ay milyon ang nalugi sa dalawang comedy bars ni Allan. Kaya naman dahil dito nagdesisyon na lamang siyang ipasara ang mga ito.

Source: IG/ allan_klownz

Samantala, sa kabila ng pagsasarang ito nagtayo naman siya ng bago niyang restobar na ‘Zirko’ ang pangalan. Ang kanyang mga kaibigan naman sa showbiz ay masaya sa kanyang naging panibagong tagumpay sa kabila ng naging kalugihan niya noon sa kanyang negosyo.

Sinubukan noon ni Allan na ipagpatuloy ang operasyon ng kanyang mga comedy bars pero sa kasamaang palad ay walang kitang pumapasok dito dahil mas malaki pa ang nagagastos niya.

Source: IG/ allan_klownz

Saad ni Allan, “Wala naman naka-foresee kung gaano katagal ang pandemya e, so I think sabi ko mga 1 month yan. Nung hindi na umokey 2 months, 3 months, 4 months, 5 months, 6 months, ay hindi na maganda to, wala na tayong laban.”

Aniya pa, “Yung renta namin na close to 400 thousand na yung Klownz, close to 500 thousand naman yung Zirkoh. Wala kang income and yet nagbabayad ka ng ganun.”

Source: IG/ allan_klownz

Dagdag pa niya, “Pinilit din pero hindi talaga, so sabi ko magsara na tayo. Idineklaro nalang namin bankruptcy. Nagbabayad ka ng rent for the 2 bars and walang business na nagaganap.”

Sabi pa ni Allan ay mas malaki ang gastos kapag nagsasara ang isang negsoyo kesa kapag tinatayo pa lang dahil kailangan pa din niyang bayaran ang kanyang mga empleyado ng separation pay, thirteen month at iba pang benepisyo nila kahit walang pumapasok na pera. Halos 18 taon din niyang inalagaan ang mga ito at kahit nagta-trabaho ito sa ‘Eat Bulaga’ ay naglaan siya ng oras para mapatakbo ang kanyang dalawang comedy bars.

Source: IG/ allan_klownz

Ayon pa sa kanya, “Imaginin mo yung 18 years na yun ng buhay ko tapos biglang nawala. Malulungkot ako kung malulungkot pero no matter how hard you try, kahit anong expertise mo, wala kang kalaban-laban dahil virus yun.”

Gayunpaman, malaki pa rin ang pasasalamat ni Allan sa ‘Eat Bulaga’ dahil ito ang nagsilbing suporta niya para maibangon niya muli ang kanyang negosyo.

The post Allan K, muling nagbukas ng kanyang negosyo matapos magsara ng dati niyang restobar! appeared first on Light Feed.


Source: Light Feed
Source: Viva Pilipinas

No comments:

Post a Comment