Source of True Trending Pinoy News

Monday, November 29, 2021

Ama na Pedicab Driver, ipinadyak ang pangarap para sa anak na nagtapos ng Magna Cum Laude


Ang buhay ay parang gulong kung minsan ay nasa ibabaw at minsan naman ay nasa ilalim, pero nasa sayo kung ano ang iyong kapalaran sa iyong diskarte at pagsisikap ito nakasalalay.

Katulad ng pananampalataya, sipag at sakripisyo ay ilan lamang sa maraming katangian na dapat taglayin kung nais makarating sa ibabaw ng gulong ng buhay.

Hindi maiiwasan na kung minsan ay magkaroon ng lubak na daan o pagsubok bago mo mapagtagumpayan ang iyong pangarap.

Halimbawa na lamang ang isang pedicab driver na ito na ginawang pagtapusin ang anak sa pamamagitan ng araw-araw na pagpa-padyak. Hindi lang pawis at dugø kundi dedikasyon sa araw-araw ang puhunan ng pedicab driver na ito.

Nakilala sa pangalang Renato Ramos tubong Bicol, ang pedicab driver na ito. Kilala nga si Mang Renato na masipag at matiyaga sa kanilang lugar. Dahil sa araw-araw niyang pagbyahe gamit ang kanyang pedicab napagtapos niya ang kanyang anak na si Sandra Estefani Ramos.

Nag-aral at nakapagtapos si Sandra sa Bicol State College of Applied Science and Technology kung saan kinuha niya ang kursong Bachelor in Secondary Education at nakuha ang pinakamataas na parangal bilang Magna Cum Laude.

Lahat ng hirap at pagsubok ay tinahak ni Mang Renato para sa kanyang anak, matinding init ng araw o ulan ay kanyang kinaya. Lakas ng katawan sa pagpadyak at pagtitiyaga ay natulungan niya ang kanyang anak na maabot ang pangarap.

Buong-buo din umano ang suporta ni Mang Renato sa anak na si Sandra para matapos ang pag-aaral nito. Mapagkumbaba namang pag-amin ni Sandra, “Until now I didn’t know how I was able to achieve this award. Even if I know that there are others students more intelligent than me, I still do my best. Even if I didn’t know how, I do know the people who are the reasons why I became Magna Cum Laude.”

Kasabihan nga ng maami, kung malayo ang tanaw ay malayo ang mararating. Gayundin naman kung hindi ka marunong lumingon sa pinanggalingan ay hindi makakarating sa pupuntahan. Gaya ng mag-amang ito, malayo ang narating ng pangarap ni Mang Renato para sa anak. Kaya naman hindi lamang iginapang kundi pinadyak niya ang minimithing diploma at edukasyon ni Sandra.

At bilang ganti ng utang na loob ay iniuwi ni Sandra ang kanyang diploma at karangalan para sa kanyang mga magulang lalo na sa kanyang ama.

Isang pangyayaring dapat na hangaan at gayahin ng henerasyon ngayon, na nagbigay ng karangalan sa mga magulang na nagtitiis at nag-sasakripisyo upang masiguro ang maliwanag na kinabukasan ng mga anak.


Source: Viva Pilipinas

No comments:

Post a Comment