Source of True Trending Pinoy News

Monday, November 22, 2021

Danica at Marc Pingris, ibinahagi ang sekreto kung bakit umabot ng 14-taon ang kanilang pagsasama

Nagkakilala ang mag-asawang Danica Sotto-Pingris at Marc Pingris dahil sa kanilang gym trainer na pareho nilang kaibigan kung saan ito ang nagpakilala sa kanilang dalawa hanggang sa nauwi ito sa ligawan. Masaya namang ibinahagi ngayon ng mag-asawa ang kanilang maayos at masayang pagsasama.

Source:IG/danicaspingris

Sa isang panayam ng mag-asawa sa TV show na ‘Mars Pa More’, ibinahagi nina Danica at Marc sikreto ng kanilang pagsasama na umabot na ng 14 na taon.

Ayon kay Marc, “Sikreto namin pag may problema talagang pinag-uusapan namin. Hindi kami natutulog hangga’t hindi namin napag-uusapan kung ano yung pinag-awayan namin. Kahit ano yan, kahit madaling araw pa, basta hindi kami matutulog.”

Source:IG/danicaspingris

Lagi din raw iniisip ni Marc ang naging sumpaan nila noong sila ay ikinasal sa tuwing mayroon silang hindi pagkaka-unawaan.

Saad niya, “Kailangan maayos kasi yun yung promise namin noong kinasal na dapat kung nag-away man tayo, kailangan pag-usapan. Hindi natin papalagpasin ang isang araw and of course pinape-pray namin kung ano yung mga mistake namin, yung pagkakamali naming.”

Source:IG/danicaspingris

Ayon naman kay Danica, may usapan umano sila noon na bawal ang magbanta na aalis sila sa relasyon kapag may mga problemang dumating sa kanila.

Aniya, “Naalala namin dati, bawal mag-threaten sa isa’t-isa ng aalis. Sige alis ako, bahala ka, pag may gumawa noon, ang sama-sama mo na. Hindi mo na naalala na sinabi mo yan?”

“Kasi one-time nagamit ko yan, nako mag ve-vacation ako tapos si Marc, “Ay may nagbe-break ng vow tapos ikaw ang magi-guilty.”

Source:IG/danicaspingris

Samantala, maraming sa kanilang mga tagahanga ang humahanga ngayon sa aktres pagkatapos niyang ibunyag na hindi siya mahilig bumili ng mga mamahalin o branded na gamit kagaya ng sapatos at bags. Dahil ayon pa kay Danica, madalas ay nire-regaluhan daw siya ni Marc o ng kanyang ama na si Vic ng mga mamahalin na gamit. Ngunit mas nagiging praktikal lamang daw siya dahil mas marami daw siyang mabibiling gamit sa perang gagamitin man niya kesa bumili ng mga mamahaling bagay.

Source:IG/danicaspingris

Dagdag pa niya, mas gugustuhin niya yung mga bagay na kahit mura basta’t ang mahalaga kumportable siya. Isa ngang magandang halimbawa ng pamilyang Pilipino ang kanilang pagsasama dahil sa kanilang magandang pagkaka-unawaan sa isa’t-isa.

The post Danica at Marc Pingris, ibinahagi ang sekreto kung bakit umabot ng 14-taon ang kanilang pagsasama appeared first on Light Feed.


Source: Light Feed
Source: Viva Pilipinas

No comments:

Post a Comment