Source of True Trending Pinoy News

Tuesday, November 30, 2021

Forgive Me”: Gerald Anderson, humihingi umano ng pagkakataon na makausap ang ex-girlfriend nitong si Bea Alonzo para makahingi ng tawad!

Ang hiwalayan ng aktor na si Gerald Anderson at aktres na si Bea Alonzo ay naging maugong noon sa social media. Naging kontrabersyal ito matapos madawit ang pangalan ng aktres na si Julia Baretto, na siya di-umano ang ‘third party’ sa hiwalayan nila Gerald at Bea.

Source: Instagram/andersongeraldjr

Sa paghihiwalay ni Gerald at Bea, umusbong naman ang relasyong Gerald at Julia kung saan hindi nila inaamin noong una na sila ay ‘in a relationship’ na. Ngunit, hindi naman katagalan ay isinapubliko na nila ang kanilang relasyon. Samantala, si Bea naman ay nanatili munang single bago ang kanyang paglipat sa GMA Network. Pero ngayon, bumalik na ang dating kinang sa mga mata ng aktres matapos niyang ibinahagi ang kanilang masayang pag-iibigan ng aktor na si Dominic Roque.

Source: Instagram/beaalonzo

Matagal na panahon ding nanahimik ang aktres patungkol sa kanyang buhay pag-ibig matapos ang maingay na hiwalayan nila ni Gerald. Ngunit, ngayon bakit tila naliliwanagan na yata ang pag-iisip ni Gerald sa isyu ng kanilang naging hiwalayan, dahil aminado umano ito na gusto niyang makausap muli si Bea.

Source: Instagram/beaalonzo

Sapagkat matapos isapubliko ni Bea ang kanilang relasyon ni Dominic ilang linggo lang ang nakalilipas ay tahasang inamin ni Gerald na handa siyang makausap muli si Bea para humingi ng tawad. Sa kanyang naging interview sa kanya ni Boy Abunda, diretsahang sinagot ng aktor kung willing ba siya mag reach out kay Bea at Dominic.

Source: Instagram/andersongeraldjr

Pahayag ni Tito Boy, “This is the elephant in the room again.”

“But would you reach out to Bea and to Dominic?” tanong ni Tito Boy kay Gerald.

At agaran naman itong sinagot ni Gerald na naging dahilan upang pag-usapan siyang muli sa social media.

Source: Instagram/andersongeraldjr

Panoorin ang kabuuang panayam kay Gerald:

Ano kaya sa tingin niyo ang susunod na gagawin ng aktor kung sakaling matuloy ang muling pag-uusap nila ni Bea?

The post Forgive Me”: Gerald Anderson, humihingi umano ng pagkakataon na makausap ang ex-girlfriend nitong si Bea Alonzo para makahingi ng tawad! appeared first on Light Feed.


Source: Light Feed
Source: Viva Pilipinas

No comments:

Post a Comment