Source of True Trending Pinoy News

Monday, November 22, 2021

Jolina Magdangal, Naiyak Na Lamang Matapos Malaman Ang Ginagawa Ng Kaniyang Driver Para Sa Kaniya

Hindi napigilan maging emosyonal ng actress at singer na si Jolina Magdangal sa nagdaang episode ng Kapamilya morning talk show na ‘Magandang Buhay’ noong Nobyembre 8, 2018 matapos malaman lahat ng sakripisyo at hirap na ginagawa ng kaniyang driver para  sa actress. 

 

Sa nasabing episode, isa sa mga naging guest ng kanilang show ay ang driver ni Jolina na si Tatay Orly Soberlina. Doon ay sinabi ni Tatay Orly kung gaano niya sinusuportahan ang actress sa lahat ng mga bagay na ginagawa at desisyon nito, maging ang pagpapatayo ng actress ng sarili niyang bahay.

Ibinahagi naman ng asawa ni Tatay Orly na may pagkakataon na mas pinipili ng kaniyang asawa na manatili sa bahay ni Jolina upang pagsilbihan ang actress imbis na umuwi sandali sa bahay nila sa Cebu upang makasama ang kaniyang pamilya.

Dito na nagsimulang maging emosyonal at maiyak si Jolina at sinabi na hindi niya alam ang tungkol dito at ang mga sakripisyo na ginagawa ni Tatay Orly bilang kaniyang driver.

Ani Jolina,

“Kasi nakailang kasambahay na ako, hindi ko mabigay talaga yung tiwala ko, yung kakayahan kong intindihin, pero si Orly, nagpa-iba iba na kami mg kasambahay, alam niya kung ano pakiramdam ko, alam niya kung paano ako timplahin. Kaya minsan pag may bago kaming kasambahay, siya na nagte-train.”

Natuwa din si Jolina nang malaman niya ang mga pahayag at salaysay ng asawa ni Tatay Orly. Pagpapatuloy ng actress,

“Natutuwa ako sa sinabi mo ngayon ko lang narinig yan, na may ganyang rason siya.”

Si Tatay Orly ay hindi naman na iba kay Jolina. Sa katunayan nga, tinuturing pa ito ng actress bilang isang parte ng kanilang pamilya dahil isa si Tatay Orly sa mga tumulong sa kaniya para mas maging matatag at gumaan ang ilang bagay sa kaniyang buhay. Bilang pagpapasalamat ng actress para sa hirap na ginagawa ni Tatay Orly sa pagbibigay ng serbisyo sa kaniya, napagdesisyunan ng actress na siya na mismo ang sasagot ng travel expenses nilang mag-asawa upang makabalik sa Cebu nang sa gayon ay magkaroon din ng oras si Tatay Orly para makipagbonding sa kaniyang mga mahal sa buhay at kamag-anak sa Cebu.

Nagbigay din ng nakakaantig-damdamin na pahayag ang actress kay Tatay Orly at sa pamilya nito bilang simbolo ng kaniyang pagpapasalamat at pagkilala sa kasipagan at tulong na ibinigay sa kaniya ni Tatay Orly.

Ani ng actress,

“Ito ay pagbibigay halaga sa pagbibigay mo sa akin ng halaga. Ibinabalik ko lang ang loyalty mo sa akin at asahan mo na ang pamilya mo na ang pamilya mo, pamilya ko isang pamilya tayo. Salamat sa lahat ng pagmamahal at tulong mo sa akin.

The post Jolina Magdangal, Naiyak Na Lamang Matapos Malaman Ang Ginagawa Ng Kaniyang Driver Para Sa Kaniya appeared first on Light Feed.


Source: Light Feed
Source: Viva Pilipinas

No comments:

Post a Comment