Matapos ang kontrabersyal na hiwalayan ng aktres na si Kylie Padilla at ng kanyang ex-husband na si Aljur Abrenica. Maraming bagay umanong natutunan ang aktres sa nangyari sa kanila ni Aljur.
Kamakailan lamang sa naging panayam sa kanya ni Jessica Soho noong October 17, sinagot lahat ni Kylie ang mga maiinit na akusasyon sa kanya ni Aljur sa naging post nito sa kanyang facebook account na may caption na “breaking silence”
Pahayag ng aktres, “I know my truth. I know what I went through. And I know what he went through. Ang alam ko lang, parehas kaming hindi masaya.”
Iginiit din niyang kailanman ay hindi siya nagloko sa naging pagsasama nil ani Aljur. “In my defense, while we are formally married, I never had any extramarital relationships with other men,” paglilinaw pa ni Kylie.
Inamin din niyang kasalanan niya kung bakit naging bukas ang kanilang isyu nang magsimula siya magbahagi ng kanyang mga “cryptic posts” noong lamang Pebrero.
Saad niya, “This started noong February and I opened the door so that everyone can have a say but for me kasi, that time, I am suffering. I didn’t know how to handle what I was going through. And I’m sorry, I learned from that mistake.”
Nasaktan umano siya noong sabihin ito ng aktor sa kanyang social media lalo na’t nagkaroon sila ng kasunduan na magkasamang magpapa-interview para linawin ang lahat.
Aniya, “Na-hurt ako, sobra sa sinabi n’ya that I wrecked the family. Hindi ko in-expect ‘yun kasi we had an agreement — sabay tayong magpapa-interview para kahit after nito, kahit maghihiwalay na tayo, we’re still united front. Iisipin pa rin namin na family pa rin kami.”
Dagdag pa ni Kylie, napagalitan rin siya sa mga cryptic messages na ipinost niya at naging aware rin siya na naging reckless siya sa kanyang mga ginawa ngunit talagang nasaktan lang siya sa sinabi ni Aljur na siya ang unang nagloko. Na para bang sinisisi na naman siya ng aktor sa mga nangyari.
Sabi pa ni Kylie, “And if we play the blaming game, what are we gonna get if we try to attack each other online? I mean, who is it helping? Let’s do it in court na lang kung gudto mo ng ganyang labanan.”
Dagdag pa niya, nais na lamang niyang protektahan kung ano ang kaya at pwede pa niyang protektahan. Iniisip pa rin naman kasi ni Kylie ang kanilang mga anak at ayaw niyang lumaki ang mga bata na nakikita o nararamdaman na toxic ang kanilang magulang dahil siya mismo ay naramdaman na ito noon.
Pagpapaliwanag pa niya, “Kung mase-save ko pa sana ‘yung friendship namin, tuwing magkikita kami para kunin ‘yung mga bata, okay kami. Ayokong tuluyan na sirain ko siya o magbatuhan kami. Hindi ‘yun ‘yung gusto kong mangyari.”
Isa lamang ang hiling ni Kylie ngayon na sana dumating ang panahon na parehas nilang matagpuan ang kanilang tunay na kaligayahan.
“Tsaka ngayon, kahit tanungin ako ng mga tao, I still want him to be happy. Sana talaga, we both move forward from this and we both end up happy.”
The post Kylie Padilla, hinamon ang ex-husband na si Aljur Abrenica sa korte: “Let’s do it in court”! appeared first on Light Feed.
Source: Light Feed
Source: Viva Pilipinas
No comments:
Post a Comment