Nanghihingi ngayon ng dalangin sa atin ang mga kamag-anak at kaibigan ni Gil Aducal Morales o mas kilala bilang si Ate Gay para sa kaniyang mabilisang paggaling.
Matatandaan na nito lamang ay nabalita na isinugod si Ate Gay sa ospital dahil sa s4kit na pn3um0nia. Sa isang online interview sa kapatid ni Ate Gay na si Mary Ann Morales sa GMA News, sinabi na na na-admit sa ospital ang komedyante noon pang Marso 25.
Ayon naman kay Mary Ann, sa ngayon ay umaayos na ang lagay nito at nagpapalakas sa ospital.
Saad nito,
“Medyo nagre-react naman ang mga gamot sa katawan niya as of now. May development naman. Sana po tuloy-tuloy.”
Dagdag pa niya,
“Kahit papaano nakakausap na siya, medyo lumalakas na po [ta’s] nakakatayo.”
Samantala, sa isa namang post ni Ate Gay noong Marso 14, ipinakita niya na negative ang kaniyang test result sa C0V1D-19.
Gayunpaman, nanghihingi naman ng dalangin ang pamilya at kaibigan ni Ate Gay para sa kaniyang mabilisan na paggaling at sana ay malampasan niya ang pagsubok na kinakaharap niya ngayon sa kaniyang buhay.
Sa isang post ng tagahanga ni Ate Gay na si Mark Christian Barongan Aga, dalangin niya na ipagpatuloy ang pagsama kay Ate gay sa panalangin para malampasan niya ang pagsubok na ito sa kaniyang buhay. Saad pa niya, maraming napasaya si Ate Gay, lalo na nitong kasagsagan ng lockdown dahil sa C0VID-19 pand3mic dahil sa mga nakakatawa niyang hirit sa YouTube, Instagram, Facebook, at TikTok.
Kaya naman bilang ganti na din sa pagbibigay ng saya at ngiti sa atin ni Ate Gay, sana aniya ay ipanalangin natin siya para sa kaniyang mabilis na paggaling sa s4kit na pn3um0nia.
Kalakip ng post ay ang mga larawan ni Ate Gay kung saan dalawa dito ay malusog pa siya samantalang ang isa naman ay larawan ng komedyante na nakahiga sa bed hospital.
The post Sikat Na Komedyanteng Si Ate Gay, Humihingi Ngayon Ng Panalangin Dahil Sa Malubha Nitong Kalagayan appeared first on Light Feed.
Source: Light Feed
Source: Viva Pilipinas
No comments:
Post a Comment