Viral ngayon sa social media ang isang magandang babae na suot-suot ang kanyang elganteng damit habang nakapila ito sa pagkuha ng ‘ayuda’ o ang financial assistance. Umani ang magandang babaeng ito ng samu’t saring mga reaksyon sa social media.
Ang netizen na si Mylene Nocon ay nagbahagi ng kanyang larawan habang siya ay naghinitay at nakapila upang kumuha ng cash assistance. Marami sa mga netizens ang umalma sa kanyang ibinahaging larawan. Ibinahagi din niya ang naging pag-uusap nila ng isang DSWD personnel kung saan siya ay kinuwestiyon kung talaga nga bang kailangan niya ng financial aid. Ang personnel-in-charge na ito nagduda sa pangangailangan ni Mylene ng pera dahil umano sa napakagandang suot nito ng araw na iyon.
Gayunpaman, ipinaliwanag ni Nocon na ang kanyang damit ay nagkakahalaga lamang ng Php300 at muling iginiit na nakuha niya ang kanyang mga alahas bago ang pa man umusbong ang pandemya. Nawalan siya ng trabaho at nahirapan ng halos isang taon dahil sa krisis na nangyari.
Nagpahayag si Mylene ng kanyang damdamin dahil karamihan sa mga tao ay nangangailangan ng pera lalo na sa panahon ng pandemya. Umaasa siya na patas ang pakikitungo ng gobyerno sa lahat dahil kailangan ng lahat ng tulong sa kabila ng kanilang katayuan sa lipunan.
Narito ang kabuang post ni Mylene:
“Kumuha ng ayuda ganto ang suot eksena.
Ate DSWD: sure ka po bang need nyo ng ayuda.
Me: Alam kong maganda sakin ang dress na to te pero mura lang to nasa 300 lang to. Mga gold ko dati pa tong panahon na may trabaho pa ako (karamihan pa dito hindi tunay) Almost year akong walang trabaho. Ngayon pa lang ako bumabangon
Parang pala desisyon ka ate
Question??
Bat kailangan maging mukang gusgusin pag kukuha ng ayuda? E lahat ng tao need ng pera lalo na sa panahon ngayon. Hirap sating mga pilipino mindset natin iba ih. hindi bat dapat kaming mga nawalan ng trabaho ang isa din sa priority ng gobyerno dahil kaming mga may trabaho ang mas apektado ng pandemya? Kesa sa mga taong sinasabi nyong mahihirap e wala naman talagang mga trabaho ang iba sa kanila bago pa magpandemya?? Paki explain labyu mwah
PS: nashare ko lang ang thoughts ko hehe Godbless.
Salamat sa ourswimsuitmanila nag muka akong mayaman sa murang halaga ng damit nyo,
Godbless sa inyo”
Narito naman ang naging reaksyon ng mga netizens:
The post Viral ngayon ang isang magandang babae na suot ang kanyang eleganteng damit na pumipila para sa ‘Ayuda’! appeared first on Light Feed.
Source: Light Feed
Source: Viva Pilipinas
No comments:
Post a Comment