Source of True Trending Pinoy News

Thursday, December 2, 2021

Antoinette Taus, Tila Hindi Nagkakaedad At Napakaganda Pa Rin Kahit Edad 40 Years Old Na

Kilalang-kilala si Antoinette Taus noong 90’s bilang bida na teen queen sa telebisyon. Ilan sa mga proyektong ginampanan nito ay ang Anna Karenina, T.G.I.S., Sana ay Ikaw na Nga at S.O.P. Bagamat sinimulan nito ang karera sa showbiz noong 1992 ay naging opisyal naman na kapuso ito sa taong 1996.

Nang taong 2001 ay nagpasya si Antoinette na mapunta ng Los Angeles. Dito ay nanatili ito ng sampung taon at bumibisita na lamang sa Pilipinas. Pum@naw ang ina nitong si Cora nang dahil sa s@kit. Patuloy naman nanirahan sa U.S. si Antoinette kasama ang kanyang ama na si Tom Taus Sr. at ang kanyang kapatid na artista rin noon na si Tom Taus Jr.

Dahil sa pagk@wala ng kanyang ina ay napagpasyahan ni Antoinette na magtayo ng organisasyon na tinatawag na CORA (Communities Organized for Resource Allocation) na naglalayon na tulungan ang mga mahihirap. Layunin din ng organisasyon na ito na bigyang solusyon ang mga environmental problems sa mundo tulad ng glob@l warming at clim@te change. Maliban dito ay tumutulong din si Antoinette sa iba pang organisasyon na nakapokus sa ment@l he@lth ng isang tao.

Noong 2019 ay hinirang na National Goodwill Ambassador for the Philippines si Antoinette. Ito ay sa pangunguna ng United Nations Environment Programme to promote sustainability and environmental protection.

Bagamat marami sa fans nito ang namimiss makita on screen si Antoinette ay proud pa rin sila sa mga ginagawa nitong hakbang upang mapabuti ang mundo. Sa ngayon ay aktibo si Antoinette sa pagtulong sa mga proyekto tungkol sa sustainable development goals at ment@l he@lth sa bansa.

Ang dating teen queen sa mga teleserye, ngayon ay isa nang lider sa pagpapalaganap ng mabuting gawain at adbokasiya na nakakatulong mapabuti ang pangangalaga sa ating mundo.

The post Antoinette Taus, Tila Hindi Nagkakaedad At Napakaganda Pa Rin Kahit Edad 40 Years Old Na appeared first on Light Feed.


Source: Light Feed
Source: Viva Pilipinas

No comments:

Post a Comment