Pinagkumpara ni Cristy Fermin ang mga aktres na sina AJ Raval at Barbie Imperial.
Sa latest episode ng radio at digital program na Cristy Ferminute. Ang isyu tungkol kina Barbie at AJ ang naging topic ng mga host na sina Cristy at Rommel Chika.
Hanggang sa pinagkumpara na ng batikang kolumnista ang dalawang aktres, partikular sa kanilang mga paguugali.
“Si Barbie Imperial ay kilalang-kilala sa pagiging sutil. Itong si AJ ay maayos ang pagpapalaki pero pag nagalit ang mabait, tingnan natin kung ano ang aabutan nito,” saad ni Cristy.
“Abangan natin,” dagdag naman ni Rommel Chika.
Sinabi din nito na mapang udyok daw si Barbie. Hanggang sa napagusapan nila ang tungkol sa nagngangalang Paulo.
Pero hindi naman nabanggit kung ang Paulo na ito ay isang aktor, production staff, o nagtatrabaho lamang para kay Barbie.
Sa nasabing episode, pinagsabihan din ni Cristy si Barbie sa naging pahayag nito laban kay Aj.
Kung saan tinawag pa ng Kapamilya actress ang anak no Jeric Raval na ‘kabit’
Kalakip kasi ng mensahe ni Barbie para kay AJ, “Kung wala kang kinalaman, o alam mo naman na hindi ka kabit ni Diego, magsalita ka.”
“For me, bakit parang gusto mo na nangyayari ‘to lahat — na nagka-thing kayo ni Diego?”
“Gusto mo maging kabit? E, hindi ka nga gusto ng boyfriend ko.”
Panoorin dito ang kabuuan ng episode ng Cristy Ferminute:
The post Cristy Fermin, may banat kay Barbie Imperial: “Kilala sa pagiging sutil” appeared first on Light Feed.
Source: Light Feed
Source: Viva Pilipinas
No comments:
Post a Comment