Source of True Trending Pinoy News

Saturday, December 4, 2021

Isang ama nakapagpatapos ng 8 anak dahil sa pagkayod sa pagsasaka

Ang isang magulang ay ginagawa ang lahat ng pagsisikap para sa kaniyang mga anak. Kayod-kalabaw ang kanilang ginagawa upang mabigyan lamang ng magandang kinabukasan ang mga anak. Katulad na lamang ng kwentp ng isang tatay na halos magkandakuba na sa pagtatrabaho para matugunan lamang ang mga pangangailangan ng kaniyang pamilya.

Ang trabaho ng tatay na ito ay pagsasaka lamang, halos buong araw siyang nagsasaka upang mairaos lamang ang pangangailangan ng kaniyang pamilya. Dahil sa kaniyang pagsasaka napag-aral niya ang kaniyang walong anak.

Hindi siya tumitigil sa pagtatrabaho sa bukid upang may pangsuporta sa pag-aaral ng kaniyang mga anak. Nakamamangha ang tatay na ito dahil napagtapos niya ang kaniyang walong anak na halos propesyonal na. Hindi lubos aakalain na dahil sa kaniyang kayod-kalabaw sa bukid ay nagkaroon siya ng mga anak na puro may magagandang natapos sa kolehiyo.

Isa sa mga anak ng tatay na ito ang nagbahagi na kanilang kwento sa social media, siya ay si Jovy Cataraja-Albite. Ayon kay Jovy buong-puso siyang nagpapasalamat sa kaniyang mga magulang lalong higit na sa kaniyang tatay na nagkandakuba sa pagsasaka mapagtapos lamang silang walong magkakapatid.

Dagdag pa niya, kung hindi dahil sa pagsusumikap ng kanilang mga magulang ay hindi nila makakamit kung anuman ang kanilang naging tagumpay ngayon sa buhay. Si Jovy ay panganay sa walong magkakapatid. Ayon pa kay Jovy, hindi naging madali ang kanilang naging buhay dahil sa naranasan nilang kahirapan na pareho pang magsasaka lamang ang kanilang mga magulang.

Gayunpaman, sa kabila ng kanilang kahirapan sa buhay natutunan niyang magpursigi sa buhay ayon na rin sa turo ng kanilang mga magulang.
Hindi lubos akalain ni Jovy at ng kaniyang mga kapatid na mapagtatapos sila ng kanilang tatay sa pamamagitan lamang ng pagsasaka nito.

Kahit na magkandakuba ang kanilang tatay sa pagtatrabaho hindi niya ito iniinda dahil ang mahalaga sa kaniyang tatay ay ang kinabukasan ng kanilang pamilya. Kaya ang kanilang pagtatapos bilang mga propesyonal ay ang kanilang regalo nila sa kanilang tatay upang masuklian ang lahat ng paghihirap nito na maitaguyod silang walong magkakapatid.

Ang tatay na ito ay mayroon ng nurse, pulis, architect, marine, accounting staff, civil engineer, teacher, at nautical na kurson ng kaniyang mga anak.

Talaga ngang nakakamanghang isipin na napagtapos niya ang kaniyang anak. Kaya ngayon si tatay na ang tinutulungan ng kaniyang mga anak, siya na ngayon ang sinusuportahan upang makaranas naman siya ng magandang buhay.

Kaya si Jovy at ang kaniyang mga kapatid ay lubos na nagpapasalamat sa kanilang mga magulang sa lahat nga pagsasakripisyo nito upang mabigyan lamang sila ng magandang kinabukasan.

The post Isang ama nakapagpatapos ng 8 anak dahil sa pagkayod sa pagsasaka appeared first on Light Feed.


Source: Light Feed
Source: Viva Pilipinas

No comments:

Post a Comment