Ayon sa mga eksperto sa siyam na buwang pagbubuntis ng babae ang unang tatlong buwan daw ay ang pinakamahirap sa kanila, Ito ang mga buwan kung saan sila ay naglilihi at hindi malaman ang kanilang nararamdaman.
Subalit, mayroon naman mga nabuntis na di umanoy walang mga nararamdamang kakaiba sa kanilang katawan.
Katulad ng naranasan ng isang babae na biglang nanganak habang nakasakay sa isang eroplano. Ayon sa babae hindi daw niya alam na siya ay buntis. Mapalad ang babae dahil isa sa mga sakay rin ng naturang eroplano ay doktor at tatlong nurse kung saan tumulong sa kanya sa pagpapa-anak.
Papuntang Honolulu, Hawaii ang byahe ng eroplano, at kinilala ang babae na si Lavinia Mounga mula sa Salt Lake City, Utah. Pinangalanan naman ang sanggol ng Raymond.
Ayon sa ulat ng Hawaii Pacific Health, nasa 29 weeks pa lamang ang tiyan ni Lavinia ng ito ay manganak.
Nakilala ang doktor na tumulong sa naturang babae na si Dr. Dale Glenn at ang tatlong nurse naman ay sina Lani Bamfield, Mimi Ho at Amanda Beeding.
Dahil kulang sa kagamitan ang eroplano para sa mga premature babies, ginamit ng doctor at mga nurses ang shoelaces para putulin ang umbîlîcal cørd ng sanggøl at gumamit rin sila ng microwaved bottles para magbigay ng init sa bagong silang na bata.
Gumamit rin ang doktor ng isang relo para ma-measure ang heart rate ng sanggol, naging stable naman ang lagay ng mag-ina sa loob ng tatlong oras hanggang makarating sa airport.
Ayon kay Dr. Glenn, “The emergency personnel took “great care” of the baby upon arriving in Hawaii.”
Para naman kay Lavinia, ma-swerte siya dahil mayroon mga medical people siyang nakasabay sa eroplano.
“The experience here has been so good. It just feels comforting and everyone’s willing to help and always checking on us,” saad ni Lavinia.
Sa kasalukuyan, ang bata ay mananatili sa isang hospital sa Hawaii hanggang sa katapusan ng buwan.
Source: Viva Pilipinas
No comments:
Post a Comment