Source of True Trending Pinoy News

Saturday, December 4, 2021

Nanay ni AJ Raval, may patutsada sa babaeng “insecure” sa gitna ng isyu ng anak at ni Barbie Imperial!

Isang makahulugang post ang ibinahagi ni Alyssa Alvarez tungkol sa mga babaeng insecure sa mga nakakasama ng kanilang mga partner.

Sa kanyang Facebook post, isang video ang shinare ni Alyssa kung saan makikita ang babaeng foreigner. Na tinatalakay ang tungkol sa mga babaeng nangaaway ng kapawa niya babae dahil sa isang lalaki.

Ibinahagi ito ni Alyssa sa gitna ng mas lalong umiinit na isyu sa pagitan ng kanyang anak na si AJ Raval. At ng Kapamilya actress na si Barbie Imperial.

Matatandaan na maanghang na salita ang binitawan ni Barbie para kay AJ. Patungkol sa isyung dinadalaw umano ng kanyang nobyong si Diego Loyzaga ang dalaga sa bahay nito sa Pampanga.

Ayon kay Barbie parang gusto pa daw ni AJ ang lahat ng nangyayari dahil hindi ito nagsasalita patungkol sa isyu.

Simpleng funny meme nga lang ang tila sagot dito ni AJ at hindi pa siya nagbibigay ng official statement.

Samantala, bilang ina ay to the rescue naman agad si Alyssa para dipensahan ang kanyang anak. At tila pasaring nga kay Barbie ang kanyang shared post sa Facebook.

“Any woman who fights another woman over a cheating man is an insecure woman, who’s battling with her self-confidence and self-worth,” maririnig na saad ng babaeng nasa video.

Caption naman dito ng ina ni AJ, “You heard it?!”

Wala mang pangalang binaggit ay gets na agad ng mga netizens na para kay Barbie ang post na ito ng ina ni AJ.

Maraming angry reactions naman ang natanggap ng shared post ni Alyssa ngunit ang tanging sagot lamang niya sa comment section, “Mga galit yarn? Awayin nyo yung creator”

At dahil nga dito ay mas tumitindi at kaabang-abang ang mga parinigan ng mga panig nina Barbie at AJ.

The post Nanay ni AJ Raval, may patutsada sa babaeng “insecure” sa gitna ng isyu ng anak at ni Barbie Imperial! appeared first on Light Feed.


Source: Light Feed
Source: Viva Pilipinas

No comments:

Post a Comment