Source of True Trending Pinoy News

Tuesday, April 19, 2022

Elepante nilakad ang halos 25 na kilometro para mamaalam at magbigay ng respeto sa kanyang matalik na kaibigan na nakasama nito ng 25 taon


Marami sa atin ay mayroong mga tunay na kaibigan yung kahit saan ay sasamahan ka sa kalungkutan, kasiyahan at tagumpay. Mahirap makatagpo ng tunay na kaibigan kung kaya naman dapat ay maging maingat din tayo sa mga taong hinahayaan nating pumasok sa ating buhay.

Samantala, kung noon ang pagkakaibigan lamang ng tao sa tao ang madalas natin marinig o masaksihan ngayon ay talagang marami na tayong nababalitaan na pagkakaibigang tunay ng tao at ng ilang hayop.

Katulad na lang ng isang Elepante na ito mula sa Kerala, India. Naglakad ang naturang Elepante ng 25 kilometro o halos 15 milya para lang magbigay ng huling respeto at mamaalam sa kanyang kaibigang tao.

Ayon sa kwento, itinituring ng Elepante ang naturang tao na kanyang matalik na kaibigan halos 25 taon daw silang nagkasama at magkaibigan.

Ayon naman sa ilang ulat, si Damodaran Nairo o mas kilala sa kanilang lugar bilang si Omanchetan ay nasawi sa Kottayam district.

Si Omanchetan daw ay isang “Mahaout” o tagapagsanay ng Elepante sa loob ng 60 taon. Mayroon daw siyang inaalagang Elepante 25 taon na raw ang nakakalipas. Binili raw ito ng dalawa niyang anak na lalaki sa unang nagmamay-ari nito.

Ang naturang Elepante ay pinangalanan nilang Pallattu Brahmadathan, ito raw ang naging paboritong Elepante ni Omanchetan. Kung kaya naman hindi na nakapagtataka na naging malapit sila sa isa’t-isa.

Naantig naman ang maraming netizen nang dumalaw ang Elepante sa libing ng kanyang kaibigan kung saan tila itinataas at ginalaw-galaw pa nito ang kanyang “trunk”.

Pagpapahiwatig raw ito ng pagpapaalam at pagbibigay ng respeto ng Elepante sa kaibigang pumanaw. Kapansin-pansin din ang kalungkutan sa mga mata at kilos ng naturang Elepante.

Kaya naman niyakap agad ang Elepante ng anak ni Omanchetan na si rajesh. Tunay na nakakaantig ang mga ganitong uri ng kwento.

Si Omanchetan o Damodaran at ang Elepanteng si Pallattu ay nagpapatunay na hindi lamang mga tao ang maaaring maging magkaibigan kundi maging mga hayop na ating inaalagaan ay maaari natin ituring na pamilya at tunay na kaibigan.


Source: Viva Pilipinas

No comments:

Post a Comment