Sa kabila ng hirap na nararanasan ng lahat dul0t ng pandemya mayroon pa rin tayong mga kababayan na likas ang pagiging mabuti na dapat tularan ng marami.
Sa panahon ngayon lalo na usapin pera ay marami ang nangangailangan lalo na kung malaking halaga ito ang iba ay nagdadalawang isip isauli at ang iba naman ay umiiral ang pagiging matapat at kabutihan sa puso.
Katulad na lang ng taxi driver na ito na nagsauli ng dollar bills na naiwan ng kanyang pasahero. Siya si Rolly Callejo Sr. na mula sa bayan ng Dagupan, Pangasinan City.
Ibinahagi ni Eva Visperas sa kanyang Facebook account na si Rolly Callejo ay nagbalik ng 56 na pirasong $100 bills o katumbas ng P280k na naiwan ng kanyang pasahero sa loob ng kanyang taxi.
Nang makita raw ng taxi driver na si Rolly ang naturang pera ay agad niya itong ipinaalam sa kinauukulan para maibalik sa may-ari. Nag-aalala rin daw umano si Rolly na baka raw hinahanap rin ito ng kanyang pasahero kaya walang alinalangan na ito ay isinauli niya.
Tunay na kahanga-hanga ang ginawang katapatan ni Rolly dahil sa kabila ng kahirapan ay hindi siya nasilaw sa salapi.
Mas pinili niya ang gumawa ng kabutihan sa kapwa. Kahit na may maitutulong sa kanyang pamilya ang naturang halaga ay hindi niya ito inangkin.
Dahil sa kanyang ginawa maraming netizen ang humanga sa kanya at sinasabi ng marami na siya ang magandang halimbawa na dapat tularan.
Saludo kami sayo Sir Rolly Callejo, naway maraming tao ang tularan ka sa kabutihang iyong ginawa. Ipinakita mo na ang iyong pagkatao ay walang bahid ng dungis at marangal ang iyong hanapbuhay.
Source: Viva Pilipinas
No comments:
Post a Comment