Source of True Trending Pinoy News

Monday, April 25, 2022

Mag-asawang tindera ng kwek-kwek at manok, ibinahagi kung paano nakapagpundar ng sariling lupa at kotse


Nang dahil sa pagtitinda ng pagkain sa kalye na ma street foods tulad ng kwek-kwek at manok ang isang mag-asawa na mula sa Tiwi, Albay ay nakabili ng sariling kotse at lupa.

Marahil hahanga ka sa isang mag-asawa na mula sa Tiwi, Albay dahil kasi sa kanilang sipag tiyaga na pagtitinda ng street foods ay nakabili sila ng lupa at sariling sasakyan.

Ayon kay Tricxie Camu Rangasa ibinahagi niya sa kanyang Facebook account nakapagpundar sila mula sa pagbebenta ng kwek-kwek, pritong manok at kung ano-ano pang tusok-tusok, marami ang netizen na humanga at kinabiliban ang mag-asawa.

Proud ang mag-asawa sa kanilang na achieve sa buhay nakabili at nakapagpundar sila ng lupa at sasakyan, ito raw ay bunga ng kanilang pagsusumikap at patuloy na pagtitiwala na makamit ang kanilang mga pangarap.

Dagdag pa ni Tricxie, naging inspirasyon nila sa pagiging masinop at matipid ang tanyag na financial adviser na si Chinkee Tan na talaga naman kanilang pinasasalamatan dahil sa mga epektibong mga payo nito at pagdating sa paghawak ng pera.

Narito ang pasasalamat na post ni Trixcie kay Mr Chinkee Tan:

“Hello po Mr Chinkee Tan nag-umpisa po kami sa pagtinda ng kwek kwek, fishball, kikiam at kalaunan nadagdagan po ng fried (chicken) sa lagi ko pong panonood ng mga videos at book mo about sa pag iipon nainspired po kmi mag Asawa na Lalo pa magsumikap pra maabot ang aming munting pangarap.”

“Yan po Ang mga naipundar Namin sa awa Ng Diyos. Kaya nagpapasalamat po Ako sa inyo dahil sa pamamagitan ng mga books nyo at videos natulungan kmi magpursige lalo. Thank you po”

Ang post naman na ito ni Trixcie ay umani ng 20K reactions at 3K comments, marami ang mga netizen na-inspire sa kwento nilang mag-asawa. Marami din ang mga street vendor na nakarelate sa pagsusumikap ng mag-asawa ni Trixcie.


Source: Viva Pilipinas

No comments:

Post a Comment