Marami sa atin ang mahilig mag-alaga ng mga hayop sa loob ng bahay, dahil nakakatulong daw ang mga ito na makabawas ng stress bukod diyan ay maaari din natin silang maging kapamilya at kaibigan na makakasama natin araw-araw.
Madalas na nakikita natin na hayop sa mga bahay ay aso at pusa dahil ito ang karaniwan na inaalagaan.
Samantala, kamakailan ay maraming netizen ang naawa at naantig sa kwento ng isang amo at ng alaga nitong aso. Isang aso kasi sa Indonesia ang nilas0n umano ng mga magnanªkaw at kalaunan ay nasawi rin kaagad.
Ang naturang amo ay nakilalang si Wijaya, Noon pa man daw ay talagang malapit na siya sa kanyang alaga at hindi lang basta raw alaga ang turing niya dito kundi parte ng kanilang pamilya.
Isang gabi raw ay nagtataka sila na tila tahol ng tahol ang kanilang aso na parang may ipinapahiwatig , Dahil oras na ng kanilang pagtulog ay hindi lamang niya ito pinansin.
Marahil ay mayroon lamang itong tinatahulan na ibang hayop, ayon ang nasa isipan niya ng mga oras na iyon. Kinabukasan ay laking pagtataka ni Wijaya dahil ang alaga niyang aso ay hindi na kasing sigla nang dati.
Lagi nalamang itong nakahiga at tila naghihingalo na at mayroong luha sa mga mata nito. Parang namamaalam na rin ang kanyang alaga napansin rin ni Wijaya na bumubula ang bibig nito kaya naman naisip niya na nilas0n talaga ito ng mga magnanªkaw.
Binalak pa ni Wijaya na ipagamot sa vet ang kaniyang alaga ngunit sarado ang pagamutan sa kanilang lugar. Labis ang lungkot niya at ng kaniyang pamilya sa pagkawala ng kanilang aso.
Nagpapasalamat naman si Wijaya at pamilya nito sa kanilang alaga dahil sa ginawa nitong pagprotekta sa kanilang tahanan at buong pamilya. Kung hindi dahil sa kanilang bantay na aso ay tiyak na mapapahamak silang lahat sa mga magnanªkaw.
Talagang nakakalungkot ang kwento ni Wijaya at ng kanyang aso, subalit hiling ni Wijaya ay kung nasaan man ngayon ang kanyang aso ay tiyak na maayos at masaya na ito.
Source: Viva Pilipinas
No comments:
Post a Comment