Mayroon isang babae na mula sa Thailand ang nagkaroon ng ibang ‘pagyayabang o pagmamalaki’ dahil hindi lang tungkol sa kanyang asawa na ginawang espesyal ang araw na may ilang regalo o bulaklak kundi dahil sa kanilang kakaibang tema at kasunduan ng kanilang kasal.
“People are bragging about their husbands on Facebook. Well, my husband happens to have two wives!” pahayag ng 32 taong gulang na si Warissara Poksrichan.
Maaari mong isipin na ang 42-taong-gulang na si Manop Nuttayothin ay gusto ng gulo nang kumuha siya ng dalawang asawa at pinatira sila sa i-isang bubong ngunit ito ay totoo namumuhay siya sa iisang bahay kasama ang kanyang dalawang asawa at sinabi rin nito na kahit kailan man ay hindi niya naging problema ang pag-aaway ng mga ito.
Sinabi din ni Nuttayothin na mayroon talaga siyang tatlong asawa ngunit namatay ang una na niyang asawa, Gayunpaman, nakatira siya kasama ang kanyang dalawang asawa at 9 na anak. Nagkaroon siya ng tig-tatlong mga anak bawat isa na kanyang naging asawa.
Si Poksrichan ay talagang pangalawang asawa ni Nuttayothin ngunit masaya siya na kumuha ito ng pangatlong asawa at tinatrato pa ang ‘ibang babae’ bilang matalik na kaibigan. Siya rin ang nag-post ng kanilang larawan sa social media at ipinagmamalaki ang asawa na mayroon itong dalawang babae na kasama sa buhay.
Kaya naman tanong ng marami paano napapanatili ni Nuttayothin na hindi magkagulo sa kanilang loob ng bahay.
“Sometimes it happens. I’ll overlook something and realise that I treated one wife better than the other. When I understand that’s a problem, I make sure I treat the two of them equally” pahayag ni Nuttayothin.
Sagot naman ng kanyang mga asawa, “We do the same things. We do everything at the same time. It’s the best.”
Samantala, masaya naman namumuhay si Nuttayothin at nagpapasalamat din siya sa kanyang dalawang asawa dahil sa suporta at pag-aasikaso sa kanya.
Tumutulong ang dalawa niyang asawa sa kanilang negosyo na pagbebenta ng mga sasakyan at mga car accessories at hindi lang yan maging sa major racing events sa thailand ay suportado si Nuttayothin ng kanyang dalawang asawa.
Source: Viva Pilipinas
No comments:
Post a Comment