Source of True Trending Pinoy News

Tuesday, June 14, 2022

Mister, nais makipag-divorce sa misis ng 16 years na kinakasama matapos malaman na hindi siya ang ama ng kanilang tatlong Anak.


Marahil wala ng sasakit pa kapag nalaman mong pinagtaksilan ka ng taong iyong minamahal at pinagkakatiwalaan sa mahabang panahon. Lalo na kung alam mo sa iyong sarili na ginawa mo na ang lahat at ibinigay mo para sa inyong relasyon.

Halimbawa na lang diyan ang kwento na nangyari sa bansang China, Durog na durog ang isang mister dahil sa kanyang sinapit matapos niyang madiskubre na siya pala ay niloloko lang ng kanyang misis ng mahabang panahon.

Sa inilabas na balita ng South China Morning Post, nakilala ang 45 taong gulang na lalaki na si Chen mula sa Jiangxi Province.

Lagi umanong wala sa bahay si Chen dahil malayo ang pinagtatrabahuhan nito. Pero hindi niya raw inakala na magtataksil ang kanyang misis na si Yu dahil madalas silang nagtatawagan sa telepono.

Subalit nitong unang buwan ngayon taon, nangamba raw si Chen dahil napapadalas na raw ang pag-iwas ng kanyang misis sa mga tawag nito at nais rin daw ng misis na magtrabaho ito ay ayon sa ulat ng Jiangxi radio at TV Station sa China.

Samantala, dahil raw malayo si Chen sa kanyang pamilya minanmanan nito ang GPS sa telepono ng misis na si Yu at dito niya natuklasan ang pakikipagtagpo ng kanyang misis sa hotel na may ibang lalaki na kasama.

At dahil sa kanyang nadiskubre na pagtataksil ng asawa, napagdesisyunan ni Chen na sumailalim sa paternity test kasama ang kanilang bunsong anak. Doon niya nalaman na hindi siya ang ama nito.

Pero sa kabila nito pinatawad ni Chen ang misis dahil nais niya raw mabuo ang kanilang pamilya.

Subalit hindi na kinaya ni Chen nang malaman niya na pati ang dalawa nilang anak ay hindi rin pala siya ang ama.

Matapos malaman ni Chen bigla na lang daw nawalang parang bula si Yu at iniwasan ang mga tawag ni Chen.

Dito na humingi ng tulong sa media ang lalaki upang mahanap ang kanyang asawa.

“I’ve been married for 16 years and none of the three are my children. None of them was my own child,” saad ni Chen.

Matapos kumalat sa news ang interview kay Chen, nagpakita si Yu at nanindigan na hindi siya nagtaksil sa mister.

Ayon sa kanya nais pa rin daw niyang mabuo ang kanilang pamilya at dapat ay intindihin siya ni Chen.

Bukod diyan si Yu pa ang nagalit sa mister ng malaman nitong ipapa-divorce ang kanilang kasalan ng malaman nitong iba ang ama ng kanilang mga anak.

“I don’t think I cheated on him. Is biological paternity really important? Couples who are sterile adopt kids all the time,” saad ni Yu.

Ayon kay Yu, kung mahalaga ba daw ang biological father ng kanyang mga anak kung ang tinuturing daw naman ng mga itong ama ay si Chen.

“Please try to empathize with me. The three children called him ‘dad’ for many years, but now he says the daughters are not his own. What is the difference between him and an animal?” dagdag nito.


Source: Viva Pilipinas

No comments:

Post a Comment