Proud na ipinagmamalaki ng netizen na si Rosanne Pugal ang naging achievement ng kanyang anak na babae na 15 taong gulang pa lamang.
Sa kabila ng murang edad raw ng kanyang anak ay nakapagpaggawa na ito ng sarili nilang bahay para sa mga magulang at naging breadwinner pa ito simula ng magkaroong ng pand3mya. Ito ang naging kwento na ibinahagi ng proud nanay sa isang sikat na Facebook Group na Home Buddies.
Sa post mismo ni Rosanne sa Home Buddies Group, ipinatayo ng kanyang anak ang kanilang bahay at ito ay may lot area na 36 square meter, may dalawang palapag at may roof deck. Sa loob ng bahay ay may apat na mga silid at dalawang toilet at bath.
Ayon pa kay Rosanne hindi raw sila makapaniwala sa sobrang pagka-madiskarte ng kanyang anak at nagulat sila nang pinag open sila nito ng bank account.
“My daughter kasi ay napaka-madiskarte at talented, nagulat na lang kami nang pinaglalakad niya kami ng bankbook kailangan niya kasi dahil na-monetize na raw ang YT channel niya, na nagsimulang gumawa ng content noong August of 2020,” ani Rosanne.
Kwento pa ni Rosanne, dahil raw sa pand3mya ay nawalan ng trabaho ang kanyang mister pero dahil sa kinikita ng anak sa pagba-vlog ay ito ang kanilang naging breadwinner.
“Masasabi kong sinuwerte at biniyayaan kami ng Panginoon, sa simpleng pinagkakaabalahan pala ng anak namin eh makakapagpatayo kami ng sarili naming bahay.
Kami ng asawa ko ay may maliit na tindahan ng street foods, nag-iipon kami ng pampagawa ng gate dahil naloko kami ng nakuha naming welder dahil substandard tinipid ang materyales na ginamit.”
Samantala, kahit pa raw abala sa kanyang vlog ay hindi naman daw nakakalimutan ng anak ang kanyang prayoridad, ang kanyang pag-aaral at sa katunayan ay may award pang nakuha ang anak.
Hindi lang raw bahay ang naipundar ng kanyang anak dahil maging ang mga gamit na furnitures ay nakabili na ito, Kaya naman proud na proud si Rosanne sa kanyang anak na sobrang sipag at madiskarte dahil mayroon din daw itong online business.
“This is not to brag, sobrang proud lang po sa na achieve ng anak namin na sa edad na 14 lang kasi siya noong nagsimula ang construction noong January at ngayon at the age of 15, grade 9 student may sarili ng bahay,” ayon pa sa proud nanay *
“Lahat po ng pera niya sa YouTube sinave po namin kasi gusto niya po talagang mapagawa muna ang bahay namin dahil binabaha po ang loob ng bahay namin pag maulan,” ani Rosanne.
Sa lumabas na balita online, nagpursige ang anak ni Rosanne na mapagawa at mapatayuan ng ikalawang palapag at roof deck ang kanilang bahay dahil binabaha raw ito kapag umuulan.
“Marami rin po akong kakilala na bata na nagpupursige rin pong makatulong sa pamilya, yung iba nagbebenta online. Si Love po kasi bata pa lang marunong na maghanap ng pera, grade 3… grade 4 nagtitinda na po siya ng lollipop sa school, nag-iipon ng mga karton para dalhin sa junkshop ganoon po siyang bata…” paglalahad pa ni Rosanne
Mensahe pa ni Rosanne sa mga kabataan, matutong mag-kusa at magtipid, huwag mag luho lalo na kung nakikita nila na tagilid ang kabuhayan ng pamilya.
Source: Viva Pilipinas
No comments:
Post a Comment