Marami sa atin ang nakakalimot na sa kanilang pinanggalingan o hindi na nila inaalala ang mga tumulong sa kanila kapag sila ay nasa tungtong na ng tagumpay sa buhay.
Halimbawa na lamang ang kanilang magulang na nagpalaki at sumuporta sa kanila kahit pa sila ay walang-wala pa.
Pero hindi naman lahat ay may mga ganitong pag-uugali na kapag nakaabot na sa tagumpay ay nakakalimot na.
Dahil mayroon parin mga tao na marunong tumingin kung saan sila nanggaling at tumatanaw ng malaking utang na loob sa mga taong naging dahilan kung bakit sila nagtagumpay.
Katulad na lang ng isang Beauty Queen mula sa bansang Thailand na nagngangalang Khanitta Phaseng, Ang naturang Beauty Queen ay nanalo at nakuha ang korona bilang Miss Uncensored News Thailand na inaasam ng marami.
Subalit muntik ng mawala sa kanya ang Korona ng malaman ng organisyason ng pageant na si Khanitta ay nagsinungaling sa pagpasa ng application sa naturang kompetisyon.
Kung saan ang isinulat nito ay nakapasa siya sa gradeschool sa edad na 17 taong gulang. Ngunit natuklasan ng organisyon na hindi ito totoo dahil sa hirap ng buhay nila ay hindi niya natapos ang pangatlong markahan sa paaralan.
Si Khinitta ay isang anak ng nangongolekta ng basura, na nagsusumikap mag trabaho araw-araw para lang kumita at may maipang suporta sa pamilya.
Ngunit kahit pa ganoon ang pinanggalingan ni Khinitta ay hindi niya ito kinakahiya, Bagkus ay pinagmamalaki niya ito sa katunayan ay inaalay niya ang kanyang tagumpay na nakamit para sa kanyang Ina.
Makikita sa mga larawan na kumalat sa social media ang pagluhod ng Beauty Queen sa paanan ng kanyang Ina ito ay nagpapakita ng mataas na respeto sa kanyang magulang at pasasalamat sa lahat ng sakripisyo nito.
Isang patunay na hindi niya makakamit ang kanyang tagumpay sa buhay kung hindi dahil sa pagmamahal at pag-aaruga ng kanyang Ina.
Napag-alaman naman na Bata pa lang si Khinitta Phaseng o mas kilala sa palayaw na Mint na lumaki talaga sa hirap, bata pa lang ay sumasama na daw ito at tumutulong sa kanyang Ina na mangolekta ng basura para may kitain sa araw-araw.
Samantala, Kaya nang malaman ng Beauty Pageant Organization ang totoong istorya ni Khanitta ay mas lalong nakumbinse ang organisyon na karapat-dapat talaga ang korona kay Khanitta.
Kung saan pinatunayan daw ni Khanitta na ang pagiging isang Beauty Queen ay hindi lamang sa aking ganda at talino dapat ay mayroon ka rin magandang kalooban.
Ang istorya na ito ni Khanitta Phaseng ay nagpapamulat para sa karamihan na kahit anong taas na ang iyong narating sa buhay matuto pa rin tayong lumingon sa ating pinaggalingan at magpasalamat sa tumulong sa atin lalong lalo na sa ating nga Magulang dahil kung wala sila wala din tayo dito sa mundong ibabaw.
Source: Viva Pilipinas
No comments:
Post a Comment