"I'm not afraid anymore. I'm coming out 'coz I'm not afraid anymore," ito ang paulit-ulit sinabi ni Heart sa kanyang live chat sa kanyang instagram account.
After 7 years, nagkaroon na ng lakas ng loob si Heart na magsalita at ikwento ang lahat ng naranasang pambubully mula sa isang aktres na hindi niya pinangalanan ngunit alam naman sa showbiz na si Marian Rivera ang tinutukoy niya.
Sa kanyang monologue sa IG live, ipinaliwanag ni Heart kung bakit nagsasalita na siya ngayon tungkol sa naging ugat ng away nila Marian.
Aniya, may bago siyang lalabas na cover ng isang magazine na mga lalaki ang pini-feature sa cover at siya pa lang ang unang babae rito. Kaugnay nito, isinusulong niya ang kanyang advocacy sa women empowerment.
Dito na nga sinabi ni Heart na hindi na siya takot ngayon na ikwento ang naranasang pambubully mula kay Marian 7 years ago kung saan ikinulong siya sa kwarto, pinagsalitaan ng masasakit at pinagbantaan pa.
Ayon kay Heart, kung noon ay naduwag siyang magsalita although binalak daw niya noong magdemanda ay mas pinili nalang daw niyang manahimik nalang dahil ayaw nila ng gulo. Ngayon, kaya raw siya lumabas ay para makapag-motivate daw ng mga kakabaihang nakakaranas ng pambubully.
Naiintindihan daw niya kung yung ibang nabully ni Marian ay hindi nagsalita dahil sa takot dahil yun din daw ang naramdaman niya noon.
Pero hindi naman daw niya intensyon siraan si Marian at makipag-away sa mga fans nito. Nagsasabi lamang daw siya ng totoo para ma-motivate ang lahat lalo na ang mga kababaihan na wag matakot, dapat ipaglaban ang karapatan at wag hayaang maliitin sila ng kung sino man.
Inamin din niya na kaya ayaw niyang magbuntis ay dahil natatakot siya na baka mabully din ang magiging anak nila ni Sen. Chiz Escudero katulad ng naranasan niya mula nung highschool pa lamang siya hanggang nung pumasok siya sa showbiz.
Isang netizen ang nagcomment sa kanyang IG live at sinabing magmove on na ito at kalimutan na ang nangyari sa kanila ni Marian Rivera.
Sagot naman ni Heart, "I have moved on... but some things are too traumatizing to forget."
Kaya nga raw ngayong nasabi na niya ang kanyang 'piece' wala na daw siyang pakielam sa mga negang sasabihin ng ibang mga tao tungkol sa kanyang pagsasalita dahil ang mahalaga ay nagpakatotoo na siya.
Bago natapos ang kanyang IG live, may mensaheng iniwan si Heart para kay Marian, "To that person, let's love each other, stop the hate."
Nagbabakasyon ngayon si Heart at wala siyang show sa GMA although contracty star pa din naman siya ng network.
No comments:
Post a Comment