Malungkot ang mga fans sa balita na may problema sa relasyon nina Gerald Anderson at Bea Alonzo, at si Pia Wurtzbach ang pinagbibintangan na third party kaya hindi na sinusubaybayan ni Bea ang mga Instagram account nina Gerald at Pia.
Hinihintay ng lahat ang statement nina Gerald at Pia tungkol sa aksyon na ginawa ni Bea. Pati ang boyfriend ni Pia na si Marlon Stockinger, tinatanong ng fans kung may relasyon pa sila ng girlfriend niya dahil bihira na sila na nakikita na magsama. Mabibilang daw sa daliri ang pictures nina Pia at Marlon sa Instagram account ng sikat na race car driver kaya naman nag-iisip din ang mga fans na may problema rin ang relasyon ng dalawa.
Deleted na rin sa IG ni Bea ang mga photos nila ni Gerald at pati ang poster ng My Perfect You movie nina Gerald at Pia Wurtzbach na ipinost ng actress upang ipromote sa kanyang followers ay deleted na rin.
Nakadagdag sa paniniwala ng fans nina Gerald at Bea na kung hindi man break ay may problema sa kanilang relasyon dahil sa post ng isang kaibigan ni Bea ng quotation card na, "Bakit hindi na lang magkatuluyan ang mga TAPAT at SERYOSO at hayaang maglokohan ang mga MALALANDI at BABAERO?"
No comments:
Post a Comment