Source of True Trending Pinoy News

Tuesday, March 27, 2018

HEART EVANGELISTA, NILINAW NA HINDI SI MARIAN RIVERA ANG PINATATAMAAN SA IG STORIES!



Lumikha ng ingay ang instagram luve chat ni Heart Evangelista tungkol sa bullying noong Sabado, March 24. Hindi na makikita sa kanyang IG stories ang video dahil tumatagal lamang ito ng 24 oras mula ng ito ito ay ma-upload.

Ngunit naisulat ito sa Showbiz Special column ni Janiz Navida sa tabloid na Bulgar noong Linggo, March 25. Base sa article, paulit ulit daw sinabe ni Heart ang ganitong mga salita sa kanyang live chat, "I'm not afraid anymore. I'm coming out 'coz I'm not afraid anymore."





Bagamat walang tinukoy na pangalan si Heart sa kanyang video ay direktang pinangalanan sa article ni Navida si Marian Rivera na siya diumanong pinatutungkulan ni Heart. Ito ang nakalagay na title sa article, "Sa wakas! After 7 years.. 'di na raw takot... HEART, KINUMPIRMA NANG IKINULONG SA KUWARTO NI MARIAN!".

Noong 2011, matagal na pinag-usapan sa showbiz ang alitan ng dalawang aktres habang ginagawa ang pelikulang Temptation Island. Di umano, ikinulong ni marian si Heart sa kwarto dahil sa hindi pa rin makumpirmang dahilan.





Pero base sa ig live ni Heart, nagsasalita raw siya ngayon tungkol sa naranasan niyang pambu-bully noon blang bahagi ng kanyang Women Empowerment Advocacy. Wala raw siyang intensyon na siraan ang sinuman at nagsasalita lang daw siya para i-motivate ang mga kababaihan na ipaglaban ang kanilang karapatan at huwag hayaang maliitin sila ng sinuman. Wala raw siyang binabanggit na pangalan at hindi ito tungkol kay Marian.

Ayon kay Heart, “I didn’t mention any names because this isn’t about her.”

“It’s not her. This isn’t about her,” dagdag pa ni Heart.

May ilang netizens naman ang nag­sa­sabing gusto lang magpaawa ni Heart para makuha ang simpatya ng tao lalo’t maingay ang balitang tatak­bong senador ang mister ni Marian na si Dingdong Dantes. Tumanggi namang magbigay ng komento hinggil dito ang kampo ni Marian.


No comments:

Post a Comment