Source of True Trending Pinoy News

Tuesday, March 27, 2018

Pinay Na Parang Si GLOC 9 Kung Mag-Rap, Hinangaan Sa The Voice Italy!



Muling pinahanga ng isang Pinay ang International Arena matapos na magpakita ito ng kanyang rapping skills sa kamnyang blind auditions sa 'The Voice Italy 2018'. Tila isang season dropper na bigla na lamang nag-rap ang 18 years old na Pinay na si Kimberly Madriaga ng i-audition nito ang "Look At Me Now" ni Chris Brown. Kinailangan lamang ni Kimberly ng 15 seconds upang ma-paturn ang rapper judge na si J-Ax matapos niyang ma-impress ito sa kanyang galing sa pagrarap.






Sa kanyang komento sinabi ni J-Ax na pagkarinig niya kay Kimberly ay nasabi niya sa kanyang sarili na isang breath of fresh air ang performance nito kung saan isa umanong maituturing na revolutionary act ang performance ng dalaga.

Dalawa pa sa apat na judge ang nagturn din kay Kimberly, at ito ay sina Francesco Renga at Cristina Scabbia. Sa kanyang komento sinabi ni Cristina na ayaw niyang i-emphasize ngunit sa kanilang tatlo na nagturn ay siya lamang ang may international career sa mga bansa na maaaring sumikat si Kimberly kung kaya't kapag siya umano ang piliin nito ay mailalabas niya ang international skills nito. Ngunit sa tatlong judge na nagturn sa kanya, pinili ng pinay si J-Ax dahil noon pa man daw ay paborito na niya ito.







No comments:

Post a Comment