Kumpirmadong mag-iibang bansa nga ang nanay ni Jake Zyrus na si Mommy Racquel Pempengco hindi dahil sa magbabakasyon ito kundi dahil sa magtatarabaho ito bilang OFW.
Ayon sa isang source noong March 6 umalis ang si Mommy Racquel upang pumasok nga bilang OFW, ngunit hindi nasabi ng source kung ano ang trabaho nito at kung saang bansa ito pupunta. Sinabi pa ng source na naubos na ang pinundar na ari-arian ni Jake noong malakas pa ang kita nito at hindi malaman kung saan napunta ang pinagbentahan nito. Ngunit may duda ang nasabing source na napunta ito sa mga dating karelasyon ng mag-ina kung saan no choice na daw si Mommy Racquel kundi mag-ibang bansa lalo na't hindi maganda ang lagay ng relasyon ng mag-ina ngayon.
Simula nung nag-out si Charice Pempengco at naging Jake Zyrus ay sunod-sunod na rin ang paglagapak ng career nito at hindi na rin naging maganda ang relasyon nila ng kanyang ina, talaga naman kung ang pera ay nakakapagbigay ginhawa sa tao pero madalas ito rin ang dahilan kung bakit nasisira ang relasyon ng isang pamilya, kaibigan o kung ano pa. Ayun sa source mukhang lubog na sa utang ang mama ni Jake kaya naman napilitan mangibang bansa bilang OFW.
No comments:
Post a Comment