Source of True Trending Pinoy News

Thursday, March 8, 2018

KZ Tandingan Naiyak, Nakatikim Ng Matinding Sermon Kay Jessie J!



Kinumpirma ni Kz Tandingan na kinausap siya ni Jessie J noon matapos ang kanyang winning performance ng awitin niya ang 'Rolling In The Deep' ni Adele sa Singer 2018 sa China.




Ayon kay KZ, pagkatapos ng announcement ay biglang may yumakap sa kanya sa likuran at sinabihan siya nito na kailangan daw ila umanong mag-usap.

Sinabihan daw siya ni Jessie na sa tuwing nakikita raw siya nito ay hindi niya alam na magaling siya sabay sabi daw nito sa kanya ng "You're so good." Sinabihan pa daw siya ni Jessie na dapat maging confident siya kapag nasa stage na lalo pa't hindi daw lahat ng singer ay nabibigyan ng opportunity na makapagperform on stage kaya't the moment umano na nasa stage na siya ay wag siyang maging apologetic at gawin daw niya kung ano ang gusto ng puso niya.





Muli umano siyang sinermonan ni Jessie ng gawin nila ang taping para sa kanilang ikatlong performance kung saan ng malaman niyang susundan niya ito sa pagpe-perform ay bigla siyang kinabahan. Dahil dito kaya't muli daw siyang pinagsabihan ni Jessie at muling ipinaalala sa kanya ang mga sinabi nito noong una silang mag-usap na kailangan niyang maging confident kapag nasa stage na.





No comments:

Post a Comment