Source of True Trending Pinoy News

Friday, March 9, 2018

SHOCKING! ANAK NI DOLPHY NA SI DINO QUIZON, PUMANAW NA!



Kinumpirma ng magkapatid na Zia at Nicole Quizon na pumanaw na ang isa pa nilang kapatid sa namayapa na ring amang si Dolphy na si Geraldino “Dino” Quizon. Ang 45-anyos na si Dino ay pangatlo sa apat na anak ng tinaguriang King of Comedy sa 1950s star na si Gloria Smith.



Sa Instagram post ibinahagi ng mga kapatid sa ama ni Dino na sina Zia at Nicole Quizon ang kalungkutan sa pagpanaw nito. Sina Zia at Nicole ay mga anak ni Dolphy sa Divine Diva na si Zsa Zsa Padilla.

Mensahe ni Zia,

“Goodbye, Kuya Dino. I still can't believe you're gone. You were still so young and had so much living left to do. And you were so full of life. And love. And laughter. I hope you find peace. I hope you and Papa find solace in each other's arms. We know you missed him dearly. And now we'll all miss you. Naalala ko nung pauwi ka na ng States. Nung nailibing na natin si Papa. Na napanaginipan mo siya. Nakaupo sa silya niya. Sa tabi mo kung saan ka natutulog noon. Na parang andun pa siya. Na parang totoo. Ibinilin mo sa akin na ingatan ko ang silyang yun. Andito pa siya sa akin. Na sa may bintana. Minsan nga, dun tumutungtong ang aso ko. Hinihintay akong umuwi. Nag-aabang. Ngayon, mag-aabang na din ako dito. Na mapanaginipan din kita. Na makapagpaalam ng maayos. Na makita ka muli. O magising man sana. Kasi parang hindi totoo."


Sabi naman ni Nicole,

“I can’t believe that the last time I saw you may jawline pa ako. And I can’t believe that would be the very last time. Will always miss you, Kuya Dino. Our sibling barangay will be a little less crazy and a little less funny without you. Rest in Power.”





No comments:

Post a Comment