Source of True Trending Pinoy News

Sunday, April 8, 2018

Edu Manzano Umaming Ayaw Magka-Apo Kay Jessy Mendiola At Luis Manzano!



Bihirang makita sa mga showbiz events si Edu Manzano. Huli siyang nakita nang makicelebrate siya sa first anniversary ng Hazelberry Cafe ni Ara Mina sa Holy Spirit Drive, Quezon City, kamakailan lang.

"Hindi na tayo bumabata. Kailangan na rin magpahinga kahit papaano," pabirong sabe ni Edu sa isang interview.

"Pero may ginagawa naman ako ngayon sa ABS-CBN," dugtong niya.

Gumaganap na Vice President si Edu sa top rating show ng ABS-CBN na FPJ's Ang Probinsyano na pinagbibidahan ni Coco Martin.

"Finally, nagka-work na rin kami. Matagal na dapat kaso nakatali ako sa GMA," ayon sa aktor.



Natanong din si Edu tungkol sa anak niyang si Luis Manzano na karelasyon ngayon ang actress na si Jessy Mendiola. Ayon kay Edu, wala siyang masasabi sa choices ng anak niya at maging kay Jessy.

"Kung sino ang gugustuhin ng anak ko, siyempre masaya ako. Ang parents ay wala ng karapatan makielam," katwiran pa niya.

Dagdag pa ni Edu, nasa tamang edad na raw si Luis para magdesisyon para sa sarili niya, "Oo naman kayang-kaya na niya yan."








Naitanong din sa kanya kung gusto na ba niyang magkaroon ng apo kay Luis.

"No, not at all. I'm just happy to see them happy, 'yon ang pinakaimportante." diretsang sagot ng actor.

"Wala pa akong apo, but all my kids, lahat halos sila graduates at nagmamasters na. Yung isa kong daughter nag-aaral sa New York. yung isa kong anak nasa UCLA, so atleast, tatlo na ang graduates ko," dagdag pa ni Edu.

Pero, paano kung bigla nalang magka-anak sina Luis at Jessy?

"You know, it's their life. Basta kung ano man ang mangyari, bilang tatay, nandito lang naman ako para suportahan siya at i-guide. Pero malaki na yon eh, alam na niya ang ginagawa niya," huling pahayag ni Edu.


No comments:

Post a Comment